Chapter 23 - Pregnant

10.5K 260 5
                                    

•JONAH'S POV•

Ginising ako dahil sa mga sigaw sa labas ng kwarto ko. The sun shines brightly through the window of my room, but I did not appreciate it this time because of the noise outside.

Dahan dahan akong bumaba mula sa kama ko, inuunat ang mga braso, lumabas at sinubukang katukin ang kwarto ni Kuya nang makita ko mula rito sa ikalawang palapag ang nagsisigawang mga magulang ko.

"Nakikipagkita ka na naman sa Alzani na 'yon! Pumunta ka lang ng Cebu para doon! Walang hiya kang babae ka!" napasinghap akong sobrang gulat nang dumapo ang palad ni Papa sa pisngi ni Mama.

Tumulo kaagad ang luha ko sa nasaksihan.

Simula sa araw na iyon ay ganoon na ang bumubungad sa araw ko kapag nakauwi si Papa rito sa gabi. Minsan, hindi siya umuuwi dahil sa trabaho raw niya. I want his presence sometimes because he never looked at me and never cares for me the way he gave attention to Kuya Oscar.

Siyam na taong gulang na akong nagtatanong kung ano ang problema ng mga magulang ko at madalas na silang nag-aaway.

My father's complains were about my mother who was meeting this man named Alzani.

My mother's complains were about my father's work which is I heard once, it is illegal or something.

Mag-isa akong kumakain ng almusal isang umaga nang nahagip ng mga mata ko ang paghatak ni Papa kay Mama nang marahas papalabas ng bahay.

"Peste! Walang kang sasabihin sa mga awtoridad!" iyon ang narinig ko nang nagmamadali ko silang sinundan.

"Huli ka ng demonyo ka! Alam na ni Edel ang lahat! Mabubulok ka sa kulungan!"

Anong malalaman ni Tito Edel? At bakit mabubulok sa kulungan si Papa? Bakit galit na galit si Mama kay Papa?

"Alam kong tngna ka! Kaya nandoon ang kaibigan mong nakikipag sosyo na sa amin! Sa tingin mo pwede mo akong kalabanin ha!"

Sigawan nila nang patuloy habang kinakaladkad ng ama ko si Mama papunta sa warehouse namin rito sa isla. Ilang metro ang layo ng warehouse sa mansion namin.

Nakapasok ako nang matiwasay kasunod nila pero dahan dahan akong nagtago sa malaking kahon na hindi ko alam ang laman. Ngayon lang ako nakapunta sa warehouse kasi bantay sarado ito minsan ng mga gwardya.

May malalaking kahon at masyadong makulimlim ang buong lugar.

Tinapon ni Papa si Mama sa sahig na ngayon ay hindi ito umiiyak na madalas kong nakikita sa kanya kapag nag-aaway sila ni Mama.

Anim na mga kalalakihan ang nakita kong naka-antay sa kanilang dalawa na tila bay inaasahan na nilang dadalhin ni Papa si Mama rito sa warehouse.

Hindi ko sila kilala at tanging si Tito Edel lang na nakasuot ng police uniform ang nakita ko. Deritso ang tingin niya kay Mama at sila lang dalawa ang nagtitinginan. Mas nakita kong humihingi ng tawad si Tito Edel kay Mama.

"Iyan ang walang kwenta kong asawa! Alam na niya ang lahat lahat sa atin! Anong gagawin natin ngayon, Cuangco?!"

"Relax lang, Oh. Nandito si Bautista. Siya lang naman ang pinagsabihan ng asawa mo. Na settle na namin ang lahat. At sigurado akong papanig na sa atin si police officer. Hindi ba, officer?" akbay noong Cuangco kay Tito Edel.

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now