Chapter 14.2

3.1K 101 25
                                    

Continuation.
__
•MARGA'S POV•

"Where's Thanues?" iyon ang bungad ko sa opisina ng sektetarya ni Jonah na abala sa kung ano sa laptop niya. Ilang araw ng hindi nagpapakita si Jonah at marami pa kaming gagawin sa organisasyon. Palala lang ng palala ang mga kaso ng panggagahasa. Other than that reason, hindi rin siya sumasagot sa kahit anong tawag o reply man lang sa text.

Nagtataka ako dahil missing in action din ang babaeng kayakap niya noong engagement party ng Daddy ni Aeross. I saw the spark in their eyes while they were dancing in that floor. Tss!

"Good morning, Ms. Marga," nag-angat ito ng tingin mula sa trabaho nito. "Ikinalulungkot ko ring sabihin sa'yo na wala akong maisasagot sa bagay na iyan. Dalawang araw na akong mag-isang nag-aasikaso ng mga tinatrabaho ni Boss. Pasensiya na Ms. Marga."

"Sekretarya ka niya, dapat alam mo iyon, Mr....what's your name again--Trejus Boselli," basa ko sa name plate na nasa lamesa niya label as the corporate secretary of the President. "Huwag mo akong maloko-loko dahil kilala ko si Thanues. Gusto noon may balita ka sa kanya about sa kompanya. Tama?"

Umiling-iling ito ng kalmado na para bang mali ang sinasabi ko.

"Pasensiya na pero hindi po ngayon. Biglaan po ang pagkawala ni Boss. At wala akong nalalaman kung saan. Kung hindi niyo mamasamain ay maaari na po kayong lumabas. I can't entertain guests right now. Maraming deadlines na naiwan si Boss at kailan ko iyong ma-sumbit sa mga departments," may pagtitimpi nitong saad sa akin at ibinalik ang atensyon sa laptop niya.

"Sir, bawal po kayong pumasok na walang---Sir--" sabay ang lingon namin ng sekretarya na may kung anong aligaga sa pagpipigil ng kung sino.

Bago pa kami nakapag-reak ay pumasok sa opisina ni Mr. Boselli ang isang matangkad at matipunong lalaki na nakasuot ng military uniform.

"Sir--"

"Where is your fcking boss?!", sabay kaming napaigtad ng sekretarya ni Jonah nang nakakatakot ang pagsigaw ng heneral o kung ano man ang rango niya sa military.

"General, hindi ko po--"

"That's bllsht! Alam kong sekretarya ka ng walang hiyang gobernador na 'yan! Kung hindi mo alam! Tawagan mo at ipabalik niya rito ang pamangkin ko! Tawagan mo!"

"Mr. General--" sasabat sana ako dahil ngayon lang ako natakot sa tanang buhay ko. Batang militar lang siyang nasa edad dalawampu't wala o dalawampu't siyam, pero nakakatakot na ang kanyang panindig.

"What?!" halos matapilok ako sa suot kong mataas na takong dahil sa sigaw niya. I'm always soft-spoken so I can't really tame any beast or what he was called. Napatitig siya sa akin para malaman kung sino ako, pero ilang segundo ay umirap siyang isa akong kapangit na bagay na dapat iwasan.

This man is a snob!

"Mr. General o kung sino ka man--wala rito ang kaibigan ko at hinahanap ko rin siya. Huwag kang gumawa ng eskandalo dahil wala kaming maisasagot diyan," mahinahon kong sambit kasi hindi ko magawang sumigaw dahil nakakatakot ang isang ito. Baka may baril pa iyang dala baka ma tigok akong wala sa oras.

"Owh really--Ms. Beauty Queen o kung sino ka man, alam kong nasa kanya ang pamangkin ko. Ilabas niya ang pamangkin o mabubulok siya sa ilalim ng lupa."

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now