Chapter 27- Flaming Pain

8.8K 242 8
                                    

•JONAH'S POV•

MABIGAT ang pakiramdam ako nagdilat ng mga mata. Alam kong umaga na dahil naaninag ko ang init ng araw sa aking balat. Cold things held my hands together. Gulat akong nakaposas na ang mga kamay ko sa isang railing ng yate rito sa deck nito. Yes, I am in a yacht. Langhap na langhap ko ang simoy ng hangin, malamig at sariwa.

Kaya pala mainit dahil sa gitna kami ng karagatan sa kung sinong demonyo man ang may gawa nito. At may pakiramdam akong alam ko na kung sinong satanas ang may pakana nito!

Ngayon ang hearing sa kaso at alam kong gagawin lahat ni Cuangco at Oh na hindi ako makadalo. Alzani filed the case against them with me as a primary witness!

This is a fucking bullshit!

"Oh gising na. Pakainin niyo muna raw sabi ni Bossing bago niya yan patayin," narinig ko ang isang lalaki na kakarating lang sa deck. Lumingon ako sa mga lalaking nakapaligid sa akin and they were ten.

Fuck it!

"Kalagan niyo rin daw para makalaban. Dapat pagka-akyat ni Bossing dito ay mahina na iyan. Siya ang tatapos sa sisimulan niyo," patuloy pa rin nong letse na pangit na 'yan!

Walang araw na ibinigay ang tadhana para magtagumpay si Cuangco. Wala. Kahit kailan hindi magtatagumpay ang mga demonyo!

Sinunod maya maya ng isa sa mga sampu ang utos ng mukhang leader ng mga tauhan ni Cuangco. He unlocked the handicap and I suddenly punched him.

"Tngina!" sigaw niyang sapong-sapo ang ilong niya na kaagad na dumugo.

"Fight me, people!" I screamed at them, not afraid of the baseball bat and guns they held. "Fight me!" sanay ako sa ganito. Leonardo Oh trained me to be bad and excell in martial arts. Ipapatikim ko sa kanya ang bagay na itinuro niya sa akin.

Akala niya naman!

One of them moved his head to the other. At ang lalaki na iyon ang unang sumugod sa akin. Nakailag ako sa suntok and I was the one who hit him hard. He groaned in pain just like the first guy. Mabigat ang pakiramdam ko ngunit hindi ibig sabihin nun ay mag-papaapi ako ngayon.

Maya-maya pa ay isa-isa na silang sumugod sa akin. I hit them equally with my strong punches. One of them hit my stomach really hard. Napaubo ako doon ngunit hindi pa iyon sapat para bumagsak ako.

I used all my punching skills. Punch here and punch there. Ibinuhos ko ang mga lakas ko para kalabanin silang lahat nang maramdaman kong nagseryoso na sila sa pananakit sa akin.

The hell! The fucking hell!

One by one they attack me with their professional skills. Iba rin itong si Cuangco. Ibang level na ang kademonyohan!

Namamanhid na ang panga ko dahil sa mga tama ng kanilang kamao. Blood streams from my mouth everytime I cough. Lahat ng suntok ko ay parang hindi sila natitinag. What the hell, Jonah?! Sino ba namang hindi? One versus ten?! Ayos ka lang ba?!

Bumagsak ako sa sahig ng deck nang parehong dalawang kamao ang tumama sa tiyan ko. I groaned in pain and cough again with blood. Hindi pa ako nakaka recover nang may humawak sa magkabila kong braso at pinatayo ako.

Same guys attack me with hard punches.

"Masyado pang maaga para lumaban ka, Vice. Sana di ka nagmadali," sabi noong nanunuod lang. Fuck him!

Minsan talaga, kapag napapaligiran ka ng mga kalaban na mas marami kaysa sa'yo, ay hindi gumagana ang utak mo sa kung paano makakalabas. Napapapikit akong napaungol sa sakit nang pinosasan nila ako ulit at inilagay doon sa gitnang railing.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon