Chapter 6.2

4.4K 149 8
                                    

Continuation.
___
...

•KLAD'S POV•

Sunday morning, nakatingala ako sa makapal na ulap at nagpapatakan ng mga malalaking butil ng ulan. Nasa may pintuan lang ako minamasdan ang ganda ng ulan. Hindi ako nagtrabaho muna dahil iyon ang sabi ni Vice. Nilalagyan lang ng ointment at salonpass iyong balakang ko. Wala namang nabali daw, pahinga lang ang kailangan ko.

Hays.

Paano kaya ako makakalabas dito? Gusto kong magsimba pero hindi pa ako nakakalakad nang maayos. Hindi kaya busy ngayon si Daff? Siya lang may alam ng daan patungo rito eh.

Sabi ni Vice, day-off kapag Sunday.

Dahil dala dala ko naman ang cellphone ko ay nagtipa ako ng mensahe para kay Daff.

Me: Daff, pwede mo akong bisitahin dito. Gusto kong magsimba. Please. Kung hindi ka busy.

And to Claire.

Me: Claire, bibisita ako sa convent. Magsisimba ako.

Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng reply galing kay Daff.

Daff: Sige po, Sister. Ipapakuha na lang kita kay Mars, daan ka muna sa agency para sa habit at veil mo.

Claire: Thanks God. Okay. I'll be waiting.

Nagreply ako kay Daff.

Ako: Sino si Mars?

Daff: Isa po sa mga agents dito.

Ako: Ahh okay.

Daff: After po ninyong magsimba ay pwede po bang mag-usap tayo patungkol kay Vice. We will discuss matters about love.

Ako: Great. Sige.

Nakangiti akong paika-ikang tumalikod para sana magbihis nang mapaigtad akong nakita si Vice sa likod ko.

"My God...good morning po, Vice," ngiti ko pa ring kinakapa ang dibdib ko dahil sa gulat. Wala na ring tao sa loob ng dining room na kanina ay kumakain pa sila Ate Lona diyan.

Hindi siya nagsalita at taimtim niyang tiningnan ang cellphone kong nagtataka siya.

"May gagawin ka? Hindi ka pwedeng lumabas ngayon dahil sa kalagayan mo," mariin na may galit na naman niyang tugon.

"Pero..." akala ko ba day-off ko ngayon. Magsisimba sana ako eh. "Vice, kukunin ako ng kaibigan ng kaibigan ko. Magsisimba sana ako."

Tinititigan niya lang ako kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"If that's the matter...I can drive you at the church."

"Ay...huwag na po. Baka dadating na rin siya mamaya eh," tiim-bagang lang ang sinagot niya sa akin. Lubos kong nakita ang galit niya. Inis at galit na naman siya.

"Your boyfriend or your friend's friend?"

"Kaibigan po ng kaibigan ko," bakit ba nahihimigan ko ang pait ng pagkakasabi niya 'non.

"Tss..." hindi na siya nagsalita at tumalikod na siyang umalis.

Hays. Umagang umaga galit na naman si Vice.

Sa pag-alis naman niya ay lumabas mula sa kanilang pinagtataguan sina Ate Lona, Jaira, Joy at Ate Ivy. Malisyadong malisyado nila akong tiningnan at 'yong mga tingin nila ay sobrang sama.

Iyong nga tingin nila ay nagsasabing sobrang sama ng ginawa ko kay Vice.

"Hala girl! Tinanggihan mo si Señorito." -Ate Lona.

She Who Stole My Beastly HeartWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu