Prologue

33.3K 505 22
                                    

•No to Plagiarism.

...
PROLOGUE

Tumatangis na umiiyak ang isang dalaga sa harap ng Panginoon, sa maliit na prayer room ng hospital.

"I always believe in You, Lord. Huwag mong pabayaan ang Daddy ko. Kung sino man ang gumawa sa kanya 'non, sana sumuko na lang," tumutulong luha niyang dasal habang bitbit ang rosaryong regalo pa ng tiyahin niyang madre, at Reverend Mother na ngayon.

Ang kanyang Daddy ay nabaril sa panghuhuli ng mga drug lords noong isang gabi. Iyan ang laganap na problema ng lipunan ngayon na pilit na nilalabanan ng gobyerno.

Dasal lang parati ang naitutulong niya sa kanyang pamilya na nagseserbisyo sa bansa. Ang Diyos ang kanyang lakas, at ito lang ang maibibigay niya sa kanyang pamilya.

Matapos ang taimtim na dasalan ay umupo na siya, at katabi niya ang kanyang pinsan na isa ring madre. Pareho silang bagong ordenang madre noong nakaraang buwan.

Bakas nga sa kanya ang saya at ligay nang mangyari ang araw na 'yon. Noon pa man, ito na ang pangarap niya. Nakuha na rin niya dahil karamihan sa kanyang mga tiyahin ay madre rin.

"Sana madakip na kaagad ang bumaril kay Tito," pabuntong-hininga niyang narinig sa pinsan, na si Sister Claire.

"Sana nga, Sister," wasak na wasak pa rin ang puso niya sa sinapit ng ama.

"Hinala nila, Lene, ay si Vice Governor 'yong protector ng mga illegal drug dealings sa bansa, however, we should not believe in it without proper evidence, but they said, mga tauhan ni Vice Governor 'yong nagbaril kay Tito."

"Gaya ng sabi mo, hindi tayo maniniwala sa mga sabi sabi lang. That person has very bad image, pero bakit nakaupo pa rin siya sa gobyerno."

"Money? He has a lot of money."

Yeah, Vice Governor has a lot of money, so powerful, pero parang hindi pa ata sapat iyon dahil magkaaway pa rin sila ng gobernador.

"...people said, he killed a lot of persons, without proofs, I would like to know him."

"Ehem...you're a nun, not an NBI agent," paalala ng pinsan niya sa kanya.

"Hindi naman maganda na pumatay ka lang nang pumatay kahit walang ebidensiya. He should learn proper lesson."

Tumingin sa kanya ang pinsan ng may nakakapagtatalang tingin.

"How? Pupunta ka sa bahay niya?"

"Anyways, nevermind."

Malakas ang loob niya na may kinalaman ang ginoo sa pagkakabaril ng Daddy niya. She should not be judging like this but her instincts are saying so.

"Hali na. Kumain muna tayo at sasamahan pa natin mamaya si Rev. Mother na mag-rosaryo," tumango na lang siya at tumayo sabay ng pinsan.

Pagka-abot naman nila sa pribadong kwarto ng ama ay naabutan nila ang mga higher officials ng pamahalaan.

Ang Presidente.

Ang Senator.

Ang Chief Justice.

At iba pang mga opisyal ng PNP.

Kasama nila ang tiyahin ng dalaga pati na rin ang ina nito at mga kapatid na lalaki. Ang tiyahin ng dalaga ay siya ring tinutukoy nila na Reverend Mother, Rev. Mother Maria Lourdes.

"Magandang gabi, Sisters," bati ng mga ginoo sa kanila.

They're gestures are intimidating especially the President.

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now