Chapter 12.2

3.2K 61 0
                                    

Continuation. Unedited.
__
•KLAD'S POV•

"SO si Senator ang nagpadala sa atin dito? Why?," tanong ko kay Vice pagkatapos niyang e-kwento na si Senator ang may pakana ng lahat ng nangyayari rito. Kung bakit nasa isla kami sa isang malaking mansion na ginisingan ko kanina. The mansion was situated in the center of bunches of trees. Hindi ko pa nalibot ang buong lugar pero iyong maraming nakahilerang puno lang ang napansin ko ang dumagdag sa sariwang hangin ng nagmumula sa dagat.

Kahit naiisip ko na ito ang paraan ni Daff para makasama ko si Vice ay nagtanong na lang ako. On the other hand, I'm glad that we are together in this island.

Just the two of us.

Vice was cooking breakfast, thanking that the fridge in the house was full of stock of foods. Nagtataka ako kung bakit punong-puno iyon na sa napapansin ko ay wala namang nakatira rito.

Hindi niya nasagot ang tanong ko kasi abala siya sa pagbabatil ng itlog. Tutulong sana ako sa kanya kaso sabi niyang kaya na niya raw dahil bisita niya ako. How could I be a visitor? If I have been abducted from Nanay Lucia's house.

Namamangha ako sa nakikita ko.

The rich señorito that the maids of him as they called him, was cooking breakfast for him. Wala kasi itsura ni Vice ang kikilos para sa sarili. Sa yaman niya at nakagisnang buhay ng karangyaan, siya iyong tipo ng lalaking inihahanda na lahat ng kakailanganin niya. Ang katayuan niya ay nagsasabi ng kapangyarihan kaya kailangan mo talaga siyang pagsilbihan. Everything in his life is already provided, perfect. Nasa kanya na ang lahat ng gusto niya...pero iba ang nakikita ko ngayon. From they so called strict and hot-tempered señorito to a simple guy. O iba lang talaga ang nakikita ng mga mata ko kapag siya ang pag-uusapan. Maliit na kilos lang niya ang nakikitaan ko na ng kagandahan. Sa bawat oras kahit mali ang ugali niya, I always find positivy in it.

"Nilalagnat daw ako. So you have to take care of me," napa-kunot ako ng noo sa kanya mula sa nakangisi niyang bibig patungo sa hinihiwa niyang sausages.

"Nilalagnat ka? Nang makita kita ka..." napatigil ako sa saglit dahil sa sasabihin ko sana. Hindi niya pwedeng malaman na nakita ko siya kahapon, because it was Sister who saw him, not Klad. God, I almost spill my words. "Umm...nang makita kita kanina, you're quite alright."

I smiled remembering the kiss we have shared a while ago. Though, hindi ko naman talaga nakita na ayos lang siya, ang mukha niya ang puno ng pag-aalala at takot. He just calmed when I hugged him, not to be assuming.

Hays. Iyon ang unang halik namin na ipinaubaya ko nang buong-buo ang kaluluwa at puso ko. I thought right now that heaven is cursing me as a tremendous sinner.

Kung masama ang sumunod sa kagustuhan ng puso, ilalagay ko ang buong pagkatao ko sa kasamaan. Because I always believe in happiness if you will follow what the heart will say.

Nag-angat siya ng tingin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"It has been one month since the last time I talked to you. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko lang sabihin na na-miss kita. hope you feel the same way too," iniwan niya ang ginagawa niya at lumapit sa akin na nakatayo sa gilid ng island counter. Nanlalambot ang mga tinging kinuha niya ang mga kamay ko saka pinisil ang nga iyon. "Klad, hindi ka ba nagpakita dahil sa halik na ninakaw ko noong sa party? Why do you have to be so far away from me? I miss you so much that even those five words can't express how much."

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon