Chapter 24- Jailed

9.4K 267 25
                                    

•JONAH'S POV•

PAGKABANGON ko mula sa pagkakahiga nang hindi nakasanayang hospital bed na ito ay bumungad sa akin si Boselli na pabalik balik ang lakad na hindi malaman ang gagawin.

Bakit ba sa kada gising ko ay ang mga nag-aalalang tao ang nakikita ko? Tsk!

Hindi ko nakaligtaan ang dala niyang newspaper na hinahampas hampas niya sa kanyang braso na animoy may iniisip siyang sagot sa isang problema.

"Boselli," tawag ko sa kanya para mahinto siya sa kanyang kahibangan kung ano man iyang iniisip niya na nakapagpabagabag.

"Boss!," natataranta niyang sigaw. "Gising ka na pala."

"Obviously, Boselli," I mocked him. "Kailan daw ako makakalabas? Nandiyan pa ba ang mga tauhan ni Tito Baruch?"

Hindi ko pa kayang tanggapin at e process sa utak ko na ama ko si Baruch Alzani na habang kasal si Mama kay Leonardo ay nakikipaglaguyo siya sa ibang lalaki. Habang kasal si Baruch Alzani sa Mama ni Marga ay nakikipagkita siya sa Mama ko which brought me to life and Ezekiela.

What a fucking unbelievable! Sobra sobra ang gulat ko na halos suntukin ko na si Mr. Alzani sa ginawa niya. On the other side, may kaunting kasiyahan ako sa katotohanang hindi ko ama si Leonardo na siyang puno't dulo ng pagkamatay ni Mama.

"Boss, hindi mo magugustuhan ang mga balitang bubungad sa'yo pagkalabas mo rito," sobrang pag-aalalang inilahad ni Boselli ang newspaper na hawak. A national newspapers which headline 'A religious sister who is pregnant'

Fuck! Sht!

"I tried to stop the news to spread. Tinulungan ako ni Senator at President para diyan kaso nailathala na sa iba't-ibang media ang balita na iyan. Nakarating din na rin iyan sa archdiocese sa Maynila pati sa Roma. Ganyan kadali ang pagkalat ng balita, Boss, kaya sobra sobra ang pag-aalala ko."

Naumid ang dila ko nawawalan ng kakayahang magsalita.

"Her family knows?" ako pa lang ang unang nakakahalata sa kalagayan ni Klad.

"Kahapon lang, Boss. Hindi pa gumigising ang mga tao sa bahay ni Mr. Bautista ay nakalathala na iyan. Ang nagawa ni Senator ay protektahan ang kongregasyon ng mga Magdalene sisters. Mag-a-alas dyes na nang umaga at iyan ang pinagkakaguluhan ng mga tao sa ngayon."

"Who spread the news?"

"Galit na galit si Ms. Marga kanina. Pagkadating ko ay siya ring pag-alis niya. She was murming that she will kill someone...Adelle daw. Hindi ko narinig nang maayos, eh."

Ang ginagawang paghahampas ni Boselli ng dyaryo sa kamay niya kanina ay gusto kong gawin sa ulo ko. Fuck! Klad will never hold on to this. Ang simbahan ang kakalaban sa kanya.

I don't want her to be stress because she is carrying our baby! For goodness' sake!

"The other newspapers said that you are the father, Boss, lalo pa't madalas kayong nakikita sa pampublikong mga lugar, at bise gobernador ka pa."

"Alam mo na ang reaksyon ng pamilya niya nang malaman nila ang pagbubuntis ni Klad?" I inquired almost whispering. Mas nakakatakot atang marinig ang bagay na iyan.

"General Bautista talked with Ms. Marga yesterday. Iyon ang nakita ko Boss. Gusto ng heneral na panagutan mo ang pamangkin niya. He wants to hear your testimony of what happened. Kaso tinaboy siya ni Ms. Marga kasi nag-uusap kayo ni Mr. Alzani."

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now