Chapter 19- Sickness

8.8K 258 21
                                    

Chapter 19:  Sickness

•JONAH'S POV•

THE daily routine of mine for almost two weeks was I have to secretly visit Klad at their convent. Iyon lang ang nakikita kong paraan para masilayan siya araw-araw. Mahirap para sa akin pero mahirap din iyon para sa kanya. Alam kong nahihirapan mga siya pero hindi naman niya ikinwento sa akin sa ilang araw ko nang palihim na pagbisita sa kanya.

Still, she did not tell me about her plans about her vocation. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa lugar kung saan iniisip ko na lang kung magiging akin ba siya o magsisilbi na lang ba siya nang patuloy sa simbahan.

Walang madali sa pagtanggap nang malaman kong madre nga siya at kinumpirma iyon lalo ni Mr. Miguel, iyong private investigator ko.

Sisisihin ko sana si Crexion kung bakit hindi niya ipinagsabi sa akin ang totoo. Gusto ko siyang sakalin hanggang kapusan siya ng hininga, but the mighty Crexion will haunt my nights. Marami siyang naitulong sa akin lalong lalo na iyong sa isla. Mga utang na loob na lang ang siyang nagsasabi sa akin na hindi ko pwedeng galawin ang buhay ni Crexion. Tss!

Korny man kung sabihin. Literally, kulang na lang ay himatayin ako nang malaman ko ang totoo. My senses were sent in to the outer space. Bawat segundo kong dinadama kung gaano nasira ang puso ko sa nangyari. Ilang linggo akong wala sa sarili at nagpakalunod sa alak. Nagpapasalamat na nga lang minsan kay Tyvian na nandoon siya sa isla upang damayan ako pati na rin si Marga. They're really are true friends.

Nababaliw na ako sa kaiisip kung paano ko lilinisin ang mga pagkakasala ko. Nawala man ako sa pananampalataya pero malaki pa rin ang respeto ko sa mga madre at pari pati na iyong mga taong tapat sa simbahan. Kaya halos hindi ko matanggap na totoo ang mga kutob ko na iisang tao lang si Sister at Klad.

Fck! I still can't believe what is happening to me. Hindi ako makapaniwalang ganito ang takbo ng buhay pag-ibig ko. All I thought love will hide away from me, afraid to get caught. Pero nandito ang pag-ibig sa dibdib ko, letting me believe in it again.

"Fck! Aray--!" nasamaan ko nang tingin ang taong humampas sa balikat ko at mula sa aking pagkakatulala, nakita ko si Marga na mataray na nakatingin sa akin. "Ano ba?! May kailangan ka ba? Ang aga mo ata.."

Kulang na lang ay hilahin niya ang kumot ko para makabangon na ako. Maya-maya pa ay inilapit niya ang mukha niya sa akin na sinisinghot ako kaya inilayo ko sarili ko sa kanya.

"Akala ko amoy alak ka naman. Himala. Natauhan ka na ba sa pagkakamatay mo," nagtataka nga ako nitong kaibigan kong ito ay kulang na lang kada oras akong bantayan sa araw araw. Hindi naman ako nag reklamo kasi matalik ko siyang kaibigan.

"Nakakasawang uminom," bumangon ako habang kinukuha ang t shirt kong nakasampay sa rack sa gilid habang sinusuot ito.

"Good. I have a project for you. Dapat pumasok ka na sa opisina mo. Huwag mong itiwala ang negosyo mo sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Your secretary might be excellent pero wala pa rin siyang authority na mamahala kaya baka kung ano lang ang gawin ng ibang directors sa kanya. Back to the project I am saying, my Daddy would like to build his own resthouse in Oslob. Gusto niya ikaw ang gagawa ng desinyo ng bahay."

Kunot-noo ko siyang binalingan.

"Tito Baruch? Hindi ba kayo nagsasawang magpagawa ng bahay sa akin ha? Plano niyo bang punuuin ng resthouse ang kada municipality ng Cebu."

"Iyong mga resthouse na pinagawa niya sa'yo noon ay ginawa niya lang resort sa pamamahala ko. Hindi pa nakabalik sa Pilipinas si Daddy at ngayon, desidido na siyang tumira sa Pilipinas. Sana tanggapin mo pa rin ang gusto ni Daddy? Mas gusto kasi niyang ikaw ang gumawa ng desinyo.."

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now