Chapter 4- Forbidden Kiss

14.3K 405 31
                                    


Chapter 4: Forbidden Kiss

•KLAD'S POV•

Limang araw ang lumipas at pakiramdam ko nakaka-adjust na naman ako sa mga dapat at hindi dapat gawin sa mansion. I should be proud to myself since I am not anymore that 'papagong-pagong' na sinasabi ng mga kasama ko.

At sa loob ng limang araw na 'yon ay hindi pa ako nakakuha ng kung ano mang ebidensiya since umalis si Vice for his biggest project daw in Barcelona. That's what he is, the very famous and excellent architect in Asia. Top one in ranking in that profession.

Hindi lang ata halata sa mukha niya, kasi palaging nakabusangot. Anyways, if he's masungit or not, his beauty didn't fade. Ano kaya kung ngingiti siya noh?

Mahirap kaya siyang pangitiin. I wonder how and why.

And there I go again, thinking about him very early in the morning. Limanh araw na siyang hindi nagpapakita, pero araw araw kong gustong makita ang mukha niya. I always pray to God that  his project will be succesful and He will keep him safe there in Spain.

Dapat nga talagang magalit ako sa kanya, hindi ba? Kasi siya ang inaakusahang bumaril sa Daddy ko, pero hindi ko naman magawa. Naghanap ako ng ebidensiya para magalit ako sa kanya, I didn't find any. Naghalungkat nga ako ng kung anu ano sa kwarto niya noong naglilinis ako kahapon, pero wala akong nakita, only guns and daggers.

Hindi naman sa nagulat ako, sa lahat ng paratang at bintang ng mga tao na mamamatay tayo siya , it did not surprise me to see guns and daggers under his big size bed, pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka. Maybe, for self defense lang 'yon dahil Vice Governor siya.

On the other hand, nagma-mop ako ngayon ng marbled floor nila, sa kalaki laki ng bahay ay hindi ko pa nakalahati ang buong living room.

Kapag nakikita ko 'yong couch kung saan niya ako ginamot sa hindi ko kalakihang sugat, ay hindi ko maiwasang isipin na masaya sa pakiramdam na ginawa niya 'yon sa akin. Though it's embarrasing kasi nakita kami ni Señorita, it's still a wonderful memory in welcoming me in this great mansion.

"Bakit hindi mo na lang tantanan si Gov, besh? Para kang tangang kakahabol sa taong ayaw magpahabol. Ayaw magpahabol kasi na-stuck sa  babaeng kinababaliwan niya," habang tulak tulak ko 'yong mop ay narinig ko iyong sabi ng baklang bisita ni Miss Peitho.

They're relaxing and conversing in that couches na para bang nasa summer vacation sila with that fruit juices and others.

"Mahal ko pa siya, Taylor. At lahat ng gusto ko ay kukunin ko," maarteng sagot naman ng babae. That's her usual tone in talking with people. Hindi pa ako sanay sa pagsusungit niya. If I talk with her, I suddenly feel the discomfort.

"Bahala kang bruha ka. Mukhang hindi pa naman papatalo 'yong girlfriend, bata pero palaban. Maganda rin at mukhang alagang alaga ang katawan. Hindi rin ako magtataka kung bakit hulog na hulog sa kanya ang gobernador," nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko dahil hindi ko naman kilala ang pinag-uusapan nila. It's only the governor, and his girlfriend that I don't know. It doesn't concern me anyway.

"Saan ka ba kampi ha? Sa kanya ko sa akin? Tandaan mo bruha ka, ako nagpapalamon sa'yo."

Hindi pa rin ako sanay sa mga pagmumura nila. Hindi ko naman magawang magreklamo kahit palagi ko noong naririnig si Vice na nagmumura, and their other words that I don't have in my vocabulary.

"Anyways, totoo bang may gusto sa'yo noon si Papa Jonah ha? Awiee..bakit hindi na lang siya jowain mo, total ampon ka lang naman. Nakikisawsaw ka lang sa pamilya. Doon ka na, walang girlfriend, mayaman, magaling sa kama, good kisser, at kung anu ano pang sinasabi ng mga babae sa kanya. My friends have been acquianted with him, and girl...his lips are good they said and his pet behind his underwear is so freaking large daw."

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now