Chapter 21- You Have Me

8.8K 240 6
                                    

•KLAD'S POV•

PAPASOK kami ng Basilica Del Sto. Niño nang ramdam ko kaagad ang atensyon na nahakot ni Vice mula sa mga tao. The candle vendors were smiling at him and three of them approached him. The curve of their mouth were genuine. Parang wala silang bahid na galit o puot sa kanya. Sa mga balita kasi patungkol kay Vice, madalas negative comments iyon patungkol sa pagiging government leader niya, kaso hindi naman iyon ang natatanaw ko ngayon.

"Magandang umaga, Vice," isa isa nilang bati kay Vice na ngayon ay nakangiting hindi pinipilit. His smile is full of warthm and sincerity.

"Magandang umaga rin po," nagkamayan sila pagkatapos ay napabaling ang mga tingin sa akin kaya ginawaran ko sila ng ngiti rin.

"Magandang umaga po," kahit kinakabahan na baka namukaan nila ako dahil minsan akong nagtitirik ng kandila rito sa Basilica, kada Biyernes.

"Magandang umaga rin," napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Vice kaya napalingon siya sa akin nang bahagya. Nakakunot kasi ang noo ng isa sa kanilang tatlo na para bang namumukaan ako. She is familiar also, its because maybe, nakasanayan ko siyang makita rito sa Basilica.

Sa maikling niyang interaksyon sa mga candle vendors ay nagtungo na kami sa sindihanan ng mga kandila. People's attention diverted towards him then to me, but he only positively appeared not even caring if people looked at us with confusion, disgust and amusement.

Naghulog ng one hundred pesos sa maliit na butas sa lalagyan ng mga maliliit na pabilog na pulang kandila, kung saan ihuhulog mo lang ang donasyon mo. Ganoon din ang ginawa ni Vice kaso isang libo ang ipinasok niya sa butas.

I smiled at him when he picked five pieces of candles. Kumuha rin ako ng tatlong piraso, at sabay kaming humarap sa candle stand. We lit the candles at the same time. Seconds after, I felt his hand held mine. He winked at me and smiled.

"We'll pray now," tumango akong paharap na pumikit. I prayed to God to give me guidance in making decisions in my life. Gusto kong malaman kung ano ang mas mahalaga, ang kaligayahan ng pamilya ko o ang akin. Mahalagang mahalaga sila sa akin ngunit ang hirap hirap mamili. Nagpapasalamat na rin na kahit sa laki ng kasalanan ko ay binigyan niya pa rin ako ng pagkakataon na sumaya.

Masakit man talagang isipin na kung susundin ko ang puso ay marami akong taong masasaktan, madidismaya, at malalayo ang loob sa akin.

Nangako akong hindi ko siya iiwan, at sana maintindihan niyang kailangan ko itong gawin. Ito lang ang naiisip kong paraan para itama lahat ng pagkakamali. Hindi ko kayang may sama ng loob ang pamilya ko sa akin.

Panginoon, sa mga desisyon na gagawin ko, please, let Jonah safe in all the odds of life. Sana ang hustisya na gusto niya para sa ina ay makakamit na niya. Bless him with love and happiness as always.

Bestowed to him the lady he deserves. The lady who can never leave him. The lady who can put delightful emotions in his eyes.

Thank you for this, dahil nakasama ko siya.

May kirot sa puso ko siyang binalingan nang narinig ko ang pag-Amen niya. Maligaya niyang dinala sa mga labi niya ang likod ng kamay ko para halikan ito.

"A short prayer will never be enough for my thanksgiving. Araw araw ata akong magdadasal para pasasalamat. A great blessing as you are should be paid by thousands of gratitude," iisipin kong iwanan siya at pumunta sa Africa ay masakit na.

I will miss him severely like nothing can heal my longingness.

"You're a blessing too," I answered.

"You're a blessing that should remain beside me forever. What can you say?" bigla akong nalungkot, pero hindi ko pinahalata. "You don't need to answer, baby. Alam kong marami pa tayong problema, but my heart is willing to wait for you."

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now