Chapter 15.2

2.5K 95 5
                                    

Continuation.
__
•MARGA'S POV•

"KUMAIN ka na. Huwag kang mag-inarte diyan," I glared Mr. General with dagger eyes! Naiinis ako sa kanya. Nasa isang magarang kwarto ako sa loob ng isang malaking modernong mansion. Nilapag niya sa kama ang isang tray ng na may pagkain. Nakatingin din sa akin ang nagpakilalang asawa ng kapatid ng heneral na ito.

Kahit na malumanay at mahinhin ang anyo ng ginang ay tinatapunan naman niya ako ng kakaibang tingin. Nasa kwarto ring ito ang dalawa pang kalalakihan na nasa edad mga trenta pataas.

"Pakawalan mo ako! Hindi ko nga alam kung nasaan si Jonah!" sinigawan ko siya dahil siya lang naman ang nasa tabi ko. "Please po... " pagmamakaawa ko sa babaeng Bautista.

"Pakawalan mo na, Iñigo. Mukhang hindi nga niya alam eh," tumango tango akong sumang-ayon sa nagsabi 'non. Nagpakilala siya sa akin bilang si Rapha at iyong katabi niya ay si Hendrich. "Kung kakasuhan ka niya ng kidnapping, ha? Nababaliw ka na ba?"

"Rapha..huminahon ka, pare. Hindi mo naiintindihan iyang pinagdadaanan ni Iñigo. Wala iyang puso, masungit at mapagmataas pero ---" may ibinulong iyong Hendrich kay Rapha na ikinagulat ng lalaki.

"Totoo?! Weeh? Sure ka diyan?" nakakunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Ano ba pinag-uusapan nila? "Kailan pa?"

"I'll tell you outside." -Hendrich.

"Don't fcking twist the story, Rich!" Sigaw ng walang modong heneral na ito. Tingnan mo, Kuya niya sinisigawan niya lang at minumura.

"Hija, kung may alam ka, please sabihin mo na...nag-aalala na kami sa anak ko, eh," mahinahong sambit ni Mrs. Bautista sa akin. "Kumain ka muna. Kagabi ka pa walang kain. Pasensiya ka na rito kay Iñigo, hija, ha. Nag-aalala lang iyan kay Kladeria eh. Kaya please lang kung may alam ka...sabihin mo na lang.."

Umiiling iling ako dahil ayaw kong mapahamak ang kapatid ko sa kamay ng walang hiyang heneral. Nakakamatay pa naman ang awra nito. Kulang na lang bunutin nito ang baril na parati niyang nakikita nakasuot sa gilid ng katawan niya.

"Wala po akong alam, Ma'am," umarte akong umiyak habang nakatitig pa rin sa akin ang batang heneral na walang ibang ginawa kundi ang titigan ako ng masama.

Kahit ganyan siya kasamang tumingin parang tatalbog sa labas ng katawan ang puso ko. Wala eh...gwapo siyang talaga....heeepp! Erase! Unggoy siya, Marga! Unggoy na may pinaghalong alien ang mukha niya.

"Ate, iwan mo muna kami..." umiiling iling ako kay Mrs. Bautista, nagmamakaawang huwag akong iwan sa asungot na 'to.

"Hay naku, Iñigo...babalikan kita mamaya, hija, Dadalhin kita ng damit." Mabait ang pamilya niya pero ang Iñigo na ito ang pinaka may masamang ugali!

Nang makalabas si Mrs. Bautista ay nagpupumiglas akong kumawala mula sa nakaposas kong kaliwang kamay buhat sa kama.

"Heneral! Pakawalan mo na! Narinig mo iyong Kuya mo. Kakasuhan kita ng kidnapping!"

"Eat now, Marga. Kagabi ka pa walang kain," nagulat ako sa itinugon niya. Did I hear him right? Naging mabait ata ang boses ng lalaking ito pero masama pa ring nakatingin sa akin.

Hindi na Ms. Beauty Queen? Pero bakit mas magandang pakinggan ang tawag na Ms. Beauty Queen.

"Kung papakawalan mo ako, edi sana...nandoon na ako sa condo ko kumakain ng gusto kong pagkain!"

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now