Chapter 25 - Leave Me, Please

9.3K 256 12
                                    

•KLAD'S POV•

Tulala akong nag-i-impake ngayong umaga. I can't just get over what happened yesterday. Nahimatay ako sa kakaiyak kahapon sa bisig ni Vice doon sa loob ng opisina ng chief of police. Kaya buong hapon akong nasa amin, nagpapahinga at ang mga tiyuhin ko ang nag-aasikaso ng kaso kung rape, kahit wala naman talagang nangyaring ganoon.

They were in the highest peak of their anger. Kung wala lang si Marga doon ay baka kung ano nang nangyari kay Vice at Gov sa galit ng mga tiyuhin ko.

Hindi ko talaga matanggap na ginagawa ito ni Vice. Oo, may tiwala ako sa kanya, hinihingi niya iyon sa akin, kaso bakit sa ganitong paraan pa.

I don't even know. Noong nalaman ni Tita na ganito ang nangyari, galit siya pero nabawasan na iyon. Inalo pa ako ng mga kasamahan ko sa kumbento sa mga nangyayaring gulo.

Tumutulo ang luhang bumagsak akong napaupo sa kama habang binabasa ang lahat ng headline sa mga sikat na news broadcasting network ng bansa. Halos lahat laman si Vice doon. My heart aches while seeing how his name smashed by an asteriod. Hindi ko matanggap kahit kailan na walang pang twenty four hours ay sirang sira na ang isang Vice Governor Jonah Thanues Oh.

Litong-lito na ako kung paano ko papatunayan na laro lang ang lahat ng ito at hindi totoo ang bangungot na ito.

Am I worthy as a diamond for him to sacrifice like that?

'Vice Governor Jonah Oh, di umanong ginahasa ang isang madre'

'The rapists Vice Governor'

'Nagahasang madre buntis daw ba?'

Ilan lang iyan sa mga headline ng mga newspaper. Marami pang ibang newspaper na ganoon siguro ang headlines. Kalat na kalat na sa buong bansa ang ganitong usapin.

Good heavens. Good Lord. Merciful God. Loving Jesus. Blessed Virgin Mary. Is this really what love should be? Bakit ganito talaga?

Ngayon, naiintindihan ko na ang ginawa ng Panginoon para sa mga kasalanan natin. Noong una, namamangha lang ako sa ginawa niyang pagpako sa krus. Nagpapasalamat lang ako at nanlalambot.

Ngayon, I am crazily understand every bit of it. The love that is so unconditional and willing to sacrifice, accepting an unacceptable consequences. Nararamdaman ko na ang sakit ni Mother Mary nang umiyak siyang tinatanaw ang anak niyang nagsasakripisyo para sa mga mahal Nito. Ganito pala iyon kasakit. Ganito pala nakakabiyak ang sakit habang tinitingnan mo ang mahal mong nahihirapan dahil sa'yo.

Ngunit hindi pwedeng wala akong gagawin.

Pinahid ko ang mga naglandas na luha sa aking pisngi at naglabas masok ng hangin sa aking katawan. Pagkatapos, nagpasya akong lumabas para makausap si Uncle Rapha na siyang alam kong makatutulong sa akin sa laban na ito. May kaibigan siyang abogado, he can pull some connections. Abogado maliban sa mga abogado nila Daddy.

"Luke, si Uncle Rapha?," alam kong hindi iyon pumasok kasi inaasikaso ang gulo rito sa bahay. Nakaupo si Luke sa sofa habang nag sco-scroll sa cellphone niya, galit na galit ang mukha.

"Kanina, nandito pa 'yon. Umalis si Uncle Iñigo at Uncle Rich. Kakausapin daw nila ang abogado ni Vice. Nakakaloka...hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito. Matinong tao si Vice.." frustrated niyang tugon na ginugulo ang buhok sa kung ano man ang binabasa niya.

"Si Mommy?"

"Sumama kay Tita sa convent. They will talk about your withdrawal," napabuntong-hininga ako. Wala man lang ba akong pag-asang makalabas sa mansion na ito!

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now