Chapter 11.2

3.6K 77 0
                                    

Continuation. Unedited still.
__
MASAYANG tugtugan ng mga banda at hiyawan ng tao sa may kapilya ang naririnig ko nang makalabas ako ng kotse. Nagpasalamat ako kay Manong Bert na siyanhmg driver ko ngayon at ang nagbukas ng pinto para sa akin. Mabuting pinakawalan ako ng mga tiyuhin ko dahil kasama ko si Manang Ligaya, Matthew at Luke. Nakakahiya man na nagsama pa ako ng ibang dagdag na bisita ay magpapaliwanag na lang ako mamaya kay Nanay Lucia, dahil kung wala sila, hindi ako makakalabas.

Barangay Milan, Poblacion, Astuban City, iyan ang pook na pinuntahan ko na mga ilang kilometro lang naman ang layo sa amin.

"Oh my god, did I see my classmates?!...kyaahh...Girl!," tili ni Luke na may nakita sa malayo. Iyong mga tinawag niyang grupo ng mga babae na nakasuot ng maiikling shorts, sleeveless upper tops ay lumingon sa kanya. "Ate, puntahan ko muna mga kaibigan ko. Matt, bantayan mo si Ate ha."

Hindi niya ako pinagsalita at tinakbo niya ang mga kaibigan niya. Ang malaking kahoy na bahay ni Nanay Lucia ay nasa tapat lang ng kapilya at ang malapad lang na kalsada ang naghihiwalay sa kanila.

I held my younger brother's hand and smile at him. Matthew was just nine, not to sociable so I think he needed more my guidance now especially maraming tao. Dahil nasa tapat lang kami ng nakabukas na pulang gate ng bahay ni Nanay ay kitang kita ko ang kabuuan ng bakuran. Nagsisiyahan ang mga tao sa pakikipag-usap sa isa't-isa. Naisip ko na baka mga kamag-anak ito ni Nanay Lucia. Ang mga ingay sa paligid ay sadyang naghahalo na.

Other people were also busy preparing the tables and chairs.

Nagsimula na akong maglakad papasok ng bakuran nila kaya nakuha ko ang atensyon ng mga taong nandodoon. Nakasunod sa akin si Manang Ligaya na dala-dala ang dalawang box ng Red Ribbon cake na pinabili ni Mommy para may maibigay daw kami.

Binigyan ko sila ng matatamis kong ngiti at hinanap ang taong nag-imbita nang narinig ko si Royan, ang apo ni Nanay na tinawag ako.

"Sister!, nandito ka na! Mama! Nandito na si Sister!," masayang sigaw ni Royan mula siya sa loob at tinakbo ako para magmano sa akin. "Good morning po, Sister."

"Good morning din Royan," ngumiti ako sa kanya at hindi na ako nagtaka nang lahat ng bata na nandoon sa bakuran ay nagtatakbo papunta sa akin para magmano kahit hindi ako nakapangdamit madre ngayon.

How sweet children knew me immediately as a nun because of Royan's calling of me.

"God bless," iyon ang sinasabi ko sa kanila isa-isa. The warthm feeling was overwhelming.

"Nakapunta ka po. Ang saya-saya."

"Oy Sister Klad!," nakita ko ang masayang tili ni Nanay mula sa loob ng kanyang bahay. Napatawa ako dahil masaya nga siyang nakapunta ako kaya ngayon ay hindi na ako nagsisising pumarito.

"Nanay," nagmano ako sa kanya at binitawan ko muna si Matthew para mayakap siya.

"Masaya akong nakadalo ka."

"Sinama ko po pala ang mga kapatid ko, pati si Manang Ligaya. Gusto kasi nilang makisaya. I hope po hindi nakakasagabal sa inyo."

Inabot naman ng kapatid ko kaagad ang kamay ni Nanay para magmano.

"Ohh..kaawaan ka ng, Diyos, anak...Hay naku, Sister. Sobrang ayos lang basta ikaw. Walang problema iyon. Mas marami mas masaya. Hali kayo pasok muna," iginaya niya papuntang loob pero naglalakad palang kami papasok ay napatigil na ako.

Ang mga lumilibot kong mata ay nakahagip ng isang taong kausap ang isang matandang lalaki na may hawak na kutsilyo. Masaya silang nag-uusap at mula ata sila doon sa may likod bahay. Pareho silang duguan ang mga kamay, at pawisan. Kung hindi ako nagkakamali ay galing ata sila sa pagkakatay ng baboy.

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now