Chapter 18- Confession and Rosary

8.8K 273 7
                                    

Chapter 18: Confession and Rosary

•KLAD'S POV•

MAGPAPALIWANAG ako sa kanya. Maghihintay ako hanggang makauwi siya sa mismong mansion niya. My tears can't stop pooling from my eyes. Masakit na matalikuran pero naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko ang pag-iwan niya sa akin doon.

Ako lang mag-isa nga ang naglakad pabalik ng mansion, giving him space to think dahil alam ko namang mahirap tanggapin ang sinabi ko. Nakakabigla iyon dahil basta basta ko na lang iyon nailabas sa bibig ko pero masakit talagang wala siyang nasabi.

Mas ayos ata kung sinigawan niya lang ako, hindi iyong tatalikuran niya ako. Pero sa huli ay iintindihin ko siya.

Ang pag iyak ko lang ang tanging naririnig ko sa katahimikan ng buong bahay.

Gusto kong malaman kung ano ang reaksyon niya kaya maghihintay ako kahit gaano pa siya katagal, kahit maabutan ako ng umaga rito.

Buong akala ko ay makukunan ang kabigatan ng kasalanan ko pero mas lalo lang nadagdagan. Mas lalo lang bumigat ang damdamin ko.

Minamahal ko siya pero hindi ito ang buhay na nararapat sa akin. Hindi ito ang tadhanang para sa akin. Pero ano nga ba talaga ang tadhana ko? Bakit sumaya ako sa iba kung masaya na ako sa buhay ko noon?

Gusto kong makaranas ulit ng kasiyahan...pero imposible iyon kasi ang kasiyahan na gusto ko ay sa piling ng lalaking mahal ko. Pero alam ko rin, gaya ng sabi ni Claire, hindi lahat ng gusto mo ay pwede mo na lang sundin.

Sa gitna na akong pighati ay may narinig akong kaguluhan sa labas. The sound is forceful like they were trying to barge in. Napaigtad akong nakarinig ng mga tunog ng baril, suntok at mga sipa.

Goodness!

Napatakbo ako sa malaking pinto ng bahay at doon ko nakita sa harap ang mga tiyuhin kong nakikipag away sa mga tauhan ni Vice. And now I realized, the security team that was scattered throughout the island was being destroyed. Hindi lang nga Uncle ko ang nakikita kundi ang iba pa nilang kasamahan sa kani kanilang mga trabaho. Sa napapansin ko, mabuti nang hindi umuwi si Vice sa mansion dahil baka kung ano ang gawin ng mga tiyuhin ko sa kanya. Their anger is uncontrollable. Parang papatay sila ng tao kundi lang magaling lumaban ang mga tauhan ni Vice.

"Uncle Iñigo! Stop that now! God! Stop it!" gusto ko silang sigawan isa-isa dahil nanghihimasok na naman sila sa buhay ko. "Stop it all of you!"

I want to go home in my own free will! I want to decide on myself!

"Rich! Kunin mo si Klad!" sigaw ni Uncle Rapha na ikinailing ko. Mas naawa ako sa mga tauhan ni Vice.

"Sasama ako! Sasama ako ng matiwasay! Huwag niyo silang saktan! Wala silang kasalanan!" and they immediately stop. Iyong mga PSG ni Vice ay namimilipit pa sa sakit. They never tried to use their guns even they have the easier access on them.

Nilapitan ako ni Uncle Rich na bakas sa mga mata ang galit. Hinawakan niya ang pulsuhan ko ng madiin.

"Where is your lover? I will file kidnapping against him!"

"Walang kumindap sa akin. Sumama ako ng kusa! Naiintindihan niyo! Sumama ako ng kusa!" ang luha kong nahinto kanina ay nagpatuloy ngayon.

Iwinaksi ko ang hawak ni Uncle Rich sa akin at nilampasan siyang naglakad papalabas ng bakuran ng mansion.

"Miss Klad, hindi niyo po ba hihintayin si Boss?" kahit ramdam ko ang sakit ni Roland sa katawan dahil sa pakikipag-away ay naitanong niya pa iyon. Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Maraming salamat sa pagbabantay sa amin. Sabihin mong umalis na ako," nakita ko ang pag-usbong ng kalungkutan sa mga mata niya.

"Pero paano si Boss? Iiwanan mo siya ng ganun ganun na lang..." dumagdag sa sakit na nararamdaman ko ang sinabi niya. Kailangan eh...hindi ko alam kung paano ako mananatili.

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now