Chapter 22- Truth

8K 198 2
                                    

•KLAD'S POV•

"YOU don't need to drop me inside, Vice. Mahigpit naman seguridad ng subdivision. Baka hinihintay na ako nila Daddy sa labas. Luke called me hundred times.." kabado kong tugon, hindi kayang pigilan ang pagpasok ng kotse niya sa loob ng subdivision.

Only two houses left, dadating na kami sa mismong bahay namin.

"Vice," hinawakan ko na ang kamay niyang nakamaneho, ngunit, nginitian lang niya ako.

"It's okay. Aalis ako kaagad pagkababa mo," nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa tumapat kami sa malaking gate ng bahay namin.

Abot langit ang tahip ng kaba sa dibdib ko nang makita kung sino ang nakaabang sa akin.

Oh God!

Bumaling ako kay Vice ba sobrang nag-aalala pero hindi ko nakitaan ng takot ang mukha niya.

"Vice..." halos manginig na ang boses ko. I have just seen my father and Uncle Iñigo with two of their men.

"Ako ang nag-aya sa'yo para lumabas, Klad. Mas maigi kong ihahatid kita ng maayos sa mismong bahay mo. Ganyan naman dapat, hindi ba?" nagtaka ako kung bakit hindi siya natatakot.

Hindi niya kilala ang Uncle at Daddy ko.

"My father.." bumaling siya sa harap para makita ulit ang nakita ko kanina.

Titig na titig ako sa magiging reaksyon niya, kaso mas lalo akong kinabahan nang galit at puot ang nakita ko. He clenched his jaw tightly like stopping a feeling of anger to burst out.

"Vice.. mauna na ako. Huwag ka nang lumabas, okay. Bye.." ginawaran ko nang halik ang pisngi niya. "Mag-ingat ka sa pag-uwi. Salamat .."

Tumango lamang siyang ngumingiti naman sa akin.

"Tumawag ka sa akin kapag nakaramdam ka ulit nang pagsusuka bukas. Itatakas kita para mapatingnan sa ospital."

"Mawawala lang naman siguro ito, Vice. Masyado lang talaga akong nag-aalala sa mga problema ko. Ngayong maayos na ang pakiramdam kong nakapag-usap na tayo ay magaan na ang nararamdaman ko..."

"I insist, Klad. That's not because of stress. Trust me, baby, okay."

Marahan akong tumango, securing a warmth smile to him.

"Wala naman kasi akong sakit.."

"Wala nga," bahagya siyang natawa. "I mean, magpapatingin tayo para malaman kung ano talaga ang nararamdaman mo."

"If you say so, Vice. Sana makakita ako ng paraan para makatakas bukas."

Magsasalita na sana siya nang may kumatok sa bintana ng kotseng nasa gilid niya. Tinitigan niya ang kumatok habang ako ay kinakabahan dahil si Uncle Iñigo iyon.

Bumaba naman ako kaagad nang binuksan ni Vice ang kotse, at lumabas siya.

"Uncle Iñigo," I called my uncle with a warning. Magkaharap na silang dalawa ngayon. Nararamdaman ang tensyon sa pagitan nila.

"Pumasok ka na sa loob, Kladeria," madiin ang boses nitong parang kumukulog iyon.

"Pauwiin mo po muna si Vice," I almost beg him not to do anything with Vice. Hindi ko talaga malaman-laman kung ano ang kasalanan ni Vice sa kanila para magalit sila ng ganyan sa kanya.

Malinis na naman ang pangalan nito na noon ay inaakusahan siyang bumaril kay Daddy. Speaking of Daddy, lumapit naman siya sa akin na sobrang galit na kulang na lang ay sampalin niya ako ng palad niyang nakakuyom.

She Who Stole My Beastly HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang