Chapter 6- Innocent Feelings

13.2K 365 5
                                    

Chapter 6: Innocent Feelings

•KLAD'S POV•

Namalayan ko na lang ang marahang paglapag ni Vice sa akin dito sa malaki niyang mukhang malambot na kama. Gumagaan ang pakiramdam ko nang nandito siya para tulungan ako. Hindi ko man maiintindihan ang sinabi niya kanina pero masaya na akong nag-aalala siya, o baka nagkamali lang ang mga teynga ko nang pagkakarinig.

"Saan 'yong masakit?," nakaupo ako sa gilid ng kama na nasa baba ang mga paa. Marahan siyang nakaupo sa harapan ko para hilutin 'yong nabali kong paa.

"Yong kanan po," napadaing ako sa bawat hawak niya. Nakita ko ang pamamaga ng natapilok na bahagi nito. God.

Ilang segundo kong dinadamdam ang sakit hanggang napatitig na naman ako sa seryosong mukha ni Vice. Sayang lang na ang ganitong kagandahan ay hindi nadadaanan ng kahit anumang emosyon. Halos mabingi ako sa malakas na pintig ng puso ko. I am feeling the physical pain, but I'm delighted with the beats of my heart. Why is that? Bakit ganito ba talaga?

Isang malaking palaisipan pa rin sa akin ang ganitong karamdaman. Para akong aatekihin sa sakit sa puso.

"Vice, ayos na po," alinlangan kong ngiti. Natatakot na ako sa tibok ng puso ko. Kapag papalapit nang papalapit si Vice sa akin ay palakas nang palakas ang pagtibok, at natatakot ako baka magkasakit ako sa puso. Baka hindi ko makayanan na magkaroon ng sakit. The heart is the most fragile organ in our body, so vurnerable, dapat lang na ingatan ko ito. Ayaw kong magkasakit. I hate hospitals.

Tumayo siyang ganoon pa rin ang emosyon sa kanyang mukha. The usual emotionless face.

"Dito ka na lang. Huwag ka nang gumalaw. Pagkatandaan mo 'to, babae, mag-iingat ka dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, may tutulong sa'yo," napatango akong yumukong tiningnan ang paa ko. Galit na naman siya.

Oo nga. Tama siya. Sa lahat ng pagkakataon na may nangyayari sa aking masama ay nandoon siya para saluhin ako.

"Salamat po," malambing kong saad na pilit na ngumingiti. Naantala ko pa ata ang trabaho niya sa gobyerno, dahilan kung bakit galit siya. "Ayos na po ako rito. Pwede na po kayong magtrabaho ulit."

Taimtim niya akong tinitigan kaya nagtaka ako kung ano ang nagawa ko. Hays. I suddenly feel concious about myself.

"Parang nakita na talaga kita. I don't know when or where. Anyways, she's not worth it to be remembered. She's a very deadly sin," lumakas pa nang lumakas ang pagsigaw ng puso ko. Kahit masakit pa ang paa at balakang ko ay pilit akong gumalaw.

Ayaw kong pakinggan na ang ganyang ideya kasi totoo naman talagang nagkita na kami, takot lang ako, dahil baka singilin na naman niya ako ng bayad. Bayad sa pagtulong niya sa akin doon sa palengke.

I don't want a kiss. I don't want to commit a deadly mistake again. Once is okay, but twice is stupidity already. Dapat matututo ka na sa una.

"Stop moving," mariin niyang hawak sa balikat ko magkabila. Tinulak niya ako pabalik sa upuan. "Kung hindi mo kaya, huwag mong pilitin."

Napasinghap na lang ako at sinunod ang utos niyang huwag nang gumalaw. Iniwan niya ako maya maya at nagtungo sa may balkonahe ng unit niya, saka may dinial sa kanyang cellphone.

"Move my meeting to three pm, at 'yong mga papeles ko sa opisina doon sa kapitulyo ay dalhin mo sa bahay. Doon ko na pipirmahan lahat ng 'yon. Stop complaining, Boselli. Just do what I say!" nag-iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin pagkatapos niyang mag-utos 'non. Ganyan talaga ata siya sa lahat.

Sino kaya ang magpapalambing sa kanya?

Nang makalapit siya ay ngumiti akong nakatingala sa kanya. Always naman ako ngumingiti. Nagbabakasali na may powers pa ang mga ngiti ko.

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now