Chaper 19.2

2.8K 118 2
                                    

Continuation.
__
•KLAD'S POV•

Nakaupo akong natulala sa tiled floor ng banyo sa kwarto ko habang ang mga luha ay walang humpay na umaagos. I did not understand what I am feeling. Kinakabahan na natatakot na masama ang pakiramdam. Umagang umaga ay ramdam na ramdam ko ang panghihina. Kanina pa ako suka nang suka.

Wala namang may pakialam sa bahay na ito. Iyong pamilya kong sobrang concern sa akin kapag may katiting lang akong nararamdaman ay nawala na. Parang ang layo layo na nila sa akin.

Anyways, kaya ko naman ito. Baka lagnat lang ito dahil sa mga pinagsasabi ni Daddy sa akin. It took me two nights without proper sleep thinking about it.

"Dad, kape po..." nilapag ko sa mesa niya rito sa opisina niya ang isang tasa na purong kape. I approached him everyday to make sure he is okay after he was discharged. Palagi kasing mukhang may iniisip na malalim si Daddy.

"Pupunta ka na sa kumbento?" may kalamigan ang tono ng boses niya habang nakatingin sa suot kong habit.

"Opo. Ako po ang magpapakain sa mga bata sa orphanage," alas singko pa lang nang umaga kasi, at nasanayang oras na ito ni Daddy sa kanyang paggising.

"Very good. Ipagpatuloy mo lang iyang pagiging madre mo. Layuan mo na ang Jonathan na 'yan. Wala kang magandang kinabukasan sa kanya," sabay tingin sa mga papel na nasa harapan niya.

"Dad..." I try to protest calmly. Nang makalabas siya sa ospital ay palagi na lang siyang galit at hindi nadadapuan ng kasiyahan.

"Huwag mong subukang ipagtanggol ang lalaki na 'yan. Nakalimutan mo ba na ha? Alagad ka ng simbahan tapos nakikipagrelasyon ka sa lalaki! Pta! Hindi mo ba naisip kung anong kahihiyan ang dulot niyan sa'yo!," napaigtad akong napasinghap. Sumasakit na ang puso ko pero nanatili akong matatag. Ayaw ko nang umiyak.

"Hiwalayan mo ang lalaki na 'yon! Huwag na huwag mong sasabihin sa akin na aalis ka sa pagiging madre mo. Huwag na huwag dahil hindi ko matatanggap 'yan. Klad, hindi mo ba naisip na baka ginagamit ka lang niya!"

"Bakit naman niya ako gagamitin? Ano ba ang ginawa mo para maghiganti siya ng ganoon? Kung totoo mang naghihiganti siya.." kulang na lang sumbatan ko si Daddy dahil gusto nang lumabas ng nakabarang sakit sa lalamunan ko.

"Wala kang utang na loob! Kung ano man ang nagawa ko! Para iyon sa'yo! Ang dami kong isinakripisyo para sa'yo kahit sarili kong kaibigan! Lahat ng ito ay para sa'yo kaya huwag mong sayangin! Layuan mo si Jonathan."

Punong-puno iyon ng emosyon ngunit hindi ko alam kung bakit puno rin iyon ng galit at takot. Gulat na gulat ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Ang unang sumagi sa isip ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ano po ang ibig mong sabihin, Dad?" nanginginig kong tanong.

"Hindi mo na kailangang malaman. Anak siya ng gustong pumatay sa akin at baka nasa isip pa lang niya ang paghigantihan ako. Gagamitin ka lang niya para patayin ako. Layuan mo siya...ayaw kong gumawa ng krimen."

"Dad, hindi kita maintindihan," halos nagsusumamo na ako para magsabi pa siya ng marami ngunit umiling-iling siya.

"Labas ka na rito. Malulusutan ko ang lahat ng ito kapag hindi ka na magpapa-uto sa lalaking 'yon. Para ito sa'yo.."

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon