Chapter 13.2

2.9K 52 0
                                    

Continuation.
__
ANG COTTAGE ni Vice ay isang nipa hut, well-furnished at mukhang inaalagaan ng maayos ng caretaker niyang si Mang Andoy na nakilala namin kanina na siyang naghihintay sa amin.

Nakatayo iyon mga sampung metro mula sa baybayin at kung kakalyuhin ko base sa pinag-usapan nila ni Mang Andoy ay nagpapasalamat ang matanda sa pagbabalik ni Vice na mukhang ngayon lang nakabalik.

I overheard the caretaker said, "Mabuti naman po at magaan na ang loob ninyong bumalik sa isla. Umaasa akong nakalimutan niyo na ang nangyari rito--"

"Hindi ko iyon kakalimutan, Tang Andoy," nagkunwari akong namangha sa tanawin ng dagat pero ang totoo naririnig ko talaga ang pinag-uusapan nila kahit ilang metro lang ang layo nila sa akin.

"Kung mabibigyan lang sana ng hustisya ang pagkamatay ni Madam ay baka magiging magaan na ang loob mo, señorito. Kami ng Nanang Lorna mo ay unaasa pa rin hanggang ngayon na sana mapanagutan ng dapat managot ang mga kasalanan nila."

I heard his heavy sigh. Ang buntong-hininga na iyon ay punong-puno ng sobrang bigat na mga bagay.

"Mahirap pala talaga, Tang. Nahihirapan na ako..." Mang Andoy seems to be his close companion for him to be open like that. Iyon lang unang pagkakataon na narinig ko nahihirapan siya. "Nawawala na ako sa dati kong pagkatao. Lahat ng plano ko ay unting-unti ng nabubura. Nawawalan ako ng pag-asa..."

He has really big heart aches. Wala sa istura ni Vice na nakapasan siya ng libo-libong problema. Kahit mga suliranin sa Cebu ay agaran niyang nasosolusyonan na hindi bakas sa mukha ang bigat ng problema. Kaya ba masungit at malamig siya ng una nilang pagkikita dahil itinatago lang niya ang mga sakit sa mga paraan na iyon?

"Baka naman, señorito, may isang tao o bagay na nakapagbago ng mga plano mo. Mahirap iyan," pinagptuloy ko ang pagkukunwari na nasisiyahan ako sa mga nakikita lalo nang nakakita ako ng creature sa loob ng isang seashell. Umupo akong nakayuko para matitigan iyon.

He is carrying his own seashell. Pakiramdam ko ay nabibigatan siya ngunit patuloy pa rin siyang lumalakad pasan ang bahay niya. So cute.

"Mahirap nga po. Natatakot akong hindi niya ako matanggap. Anyways po, salamat po sa pag-aalaga sa maliit kong bahay."

"Walang anuman iyon, señorito. Basta para sa inyo ni Miss Ezekiela. Gagawin namin ang lahat ng Nanang Lorna mo para makatulong sa inyong dalawa."

Iyon ang mga naalala ko kanina at ngayon nakatitig ako kay Vice habang kumakain kami sa umagahan na pinahanda niya kay Mang Andoy at Nang Lorna. Underneath a tree, a table was set up that was full of local foods out of fishes and shrimps. Masagana akong nakakain lalo't nang napagod nga talaga ako kanina.

"Vice..." gusto kong pagaanin ang loob niya base sa mga sinabi niya kay Mang Andoy kanina. "Napapasaya naman kita, hindi ba?"

Napaawang ang labi niyang napatigil sa pagkain habang nakatitig ang mga malamyos niyang mga mata sa akin. Maliwanag pa sa sikat ng araw na may malalim siyang iniisip habang kumakain.

"Of course, baby. Why are you asking? Nasabi ko na iyon kanina," malambing niyang sagot.

"Napapasaya kita pero short term lang iyon. Gusto ko kapag napapasaya kita wala ka nang iisipin na problema pagkatapos mong ngumiti. I am twenty four seven available to be your listener. Your the Vice governor, baka marami kang inaalala na mabibigat na problema ng probinsiya. I can listen..."

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now