CHAPTER 44: Selene Hale

Start from the beginning
                                    

"Pero alam kong si Elafris pa rin yon" tahimik na saad ng matanda "Base sa sugat na natamo ng kaibigan niyo ay maliit lang ang pagitan nito sa vital point ng katawan niya."

"So you mean that She missed on purpose?" tanong ni Logan sa matanda. Tumango ito bilang sagot.

"If she really wanted to, she could've killed him right away. But she missed on purpose. Siguro ay may kalaban na nagmamasid kaya ginawa niya ito"

"Kung si Ela nga yon, How come she has Eris' ability?" takang tanong ni Kaylie.

"Maybe she was able to control Eris' ability without letting her take over her mind and body"

--

Inalalayan ni Kaylie si Logan papunta sa kusina kung saan nakaupo ang kanilang mga kaibigan. Pagkakita kay Logan ay agad nila itong nilapitan at kinumusta.

"Buti nalang at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Jayden sa kanya. May mga bandage din ito sa katawan ngunit maaliwalas na ang mukha nito. 

"Buhay pa naman ako, masakit nga lang ang katawan ko. Ikaw? kumusta ka? parang kahapon lang ay para ka nang bangkay" mapang-asar na sagot ni Logan. Binatukan siya ni Jayden

"Gago mo"

Napansin ni Logan na tahimik lang si Blake at Aiden sa gilid na nakakapagtaka dahil mukhang magaling na sila. Aiden and Blake usually heal faster than the others dahil sanay narin silang mapasabak sa gulo. Their bodies have adapted to being tortured.

"Bat ang tahimik ng dalawang yon?" takang tanong ni Logan at tumabi kay Ash na kumakain. 

"May bisita tayo." tahimik na sagot ni Ash habang nakatingin din sa dalawa. Para silang natatae na ewan at pinagpapawisan din.

"Sinong bisita? si Merida?"

"Hindi. Yung babaeng nagligtas sa atin" Napalingon si Logan kay Ash "Paanong nagligtas?"

"Siya ang nakakita sa nangyari pero ang naabutan lang niya ay ang pagtama ni Elafris kay Tyler at ang pagsama ni Elafris sa kalaban. Pagkatapos nun ay humingi siya ng tulong kay Merida at inutusan ni Merida ang mga ogre na dalhin tayo agad dito"

May biglang pumasok na babae na may katandaan na. Itim ang buhok nito at maputi, Logan crinkled his nose. Bakit parang pamilyar ang babae sa kanya?

Umupo ito sa harapan ni Aiden at Blake. Halos mapatawa na si Logan at Ash sa nakikita, lalong umasim ang mukha ni Aiden at Blake. Ngayon lang nila nakita na ganito katakot si Aiden at Blake, parang papagalitan sila ng babaeng nasa harapan nila.

"So, Aida and Blaire right?" Malamig at sarkastiko ang boses ng babae at mas naligo sa sariling pawis si Aiden at Blake.

Hindi na napigilan ni Ash at Logan ang patawa. 

"Aida?" natatawang tanong ni Ash at naibuga ang kanyang kinakain

"Blaire?" Tumawa din si Logan kahit na masakit ang kanyang katawan. Agad silang nilingon ng babae at tinaasan ng kilay. Tumuwid naman agad sila ng upo. Nakakatakot ang tingin ng babae which reminds Logan of someone pero di niya maalala kung sino, They both give the same scary vibe pag galit.

"Tita naman, wag mo na silang takutin. Si Elafris naman ang may pakana nun" Sabi ni Kaylie at yumakap sa babae. Lumambot ang ekspresyon ng babae at niyakap pabalik si Kaylie.

"Kumusta na ang mga sugat mo?" malambing nito tanong. Gulat ang ekspresyon ng mga lalaki dahil parang naging ibang tao ang babae sa harapan nila. Isang salita lang mula kay Kaylie ay parang naging Teddy bear ang  dragon.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now