"Kuya mo ako, nag-aalala ako sa'yo,"
"Hindi kita totoong kuya, kinalimutan ko na 'yon simula no'ng araw na nalaman ko na ampon ako," masakit pakinggan pero ano ba naman daw ang magagawa niya?
"Wala namang kaso 'yon eh, magkapatid tayo,"
"H'wag ka na lang makialam. Ako na ang magsasabi sa kanila at puwede ba, tigilan mo na 'yan."
"Hindi na ako nagsalita uli dahil nabuwisit na ako sa kanya," sabi ni Cee na halata ang frustration sa boses.
"Desisyon naman nila 'yon, wala ka pa lang nagawa,"
"I tried my best but my best wasn't good enough," kumanta pa ang loko-loko.
"Cee naman e! Seryoso na!"
"Kinausap ko nga, siguro nagsumbong na sa'yo ang best friend mo, ano?" nakatitig siya sa akin habang naghihintay ng kasagutan.
"Oo, ah! Hindi, nagkuwento siya sa akin,"
Nagkuwentuhan kami sa kalagayan nila tapos maya-maya may kinuwento na siya tungkol sa pangyayari kanina no'ng wala pa ako.
"May nakita kasi akong magandang chick kanina, didiskartehan ko nga dapat e," napakamot siya sa ulo. Mukhang may hindi magandang nangyari.
"Oh? Anyare? 'Di natuloy?" tanong ko.
"E tapos may kasama s'yang cute na batang lalaki. Sabi ng bata... 'gusto ko lang naman ng Mcdo fries' tapos 'yon natuwa naman ako dahil naalala ko ang childhood ko dahil mahilig din kasi ako sa Mcdo fries," pilit pa niyang pinaliit ang boses at ginaya ang bata.
"Sayang! 'Di ko nakita," sabi ko naman. Ang cute siguro ng bata na 'yon at singkit din. Matambok siguro ang pisngi at mamula-mula.
"Tapos sabi no'ng kasama n'yang magandang chick na halos ka-edad ko lang, 20, 'Oo, basta h'wag ka nang makulit. Wait lang,' kaya 'yon lumapit na ako sa kanila," kuwento pa niya.
"'Yon oh, i-style na naman,"
"Sabi ko, 'Hi little boy... narinig ko, gusto mo ng Mcdo fries?' tapos sabi niya, 'Opo, kuya!' tapos ngumiti siya sa akin. Sobrang cute niya! Sumasabog na 'yong pisngi,"
Pilit talaga niyang ginagaya 'yong maliit na boses no'ng bata. Nakatatawa!
"Yong bata naman yata talaga ang didiskartehan mo e!" Pang-aasar ko.
"Hindi, baliw! Teka kasi," sabi niya.
"Sabi no'ng chick, 'Excuse me?' tapos sabi ko, 'Hi miss. Ang cute naman ng kapatid mo,' sabi ni bata, 'Kuya, kuya, bili mo 'ko,' sumagot naman ako ng... 'wait lang ha?' tapos sabi no'ng chick, 'Uy Hiro, nakakahiya,'
Inakting niya kung paano talaga nangyari lahat, patawa e pero convincing!
"So? Ano'ng meron?"
"Eto na nga, sabi ko sa chick, 'ayos lang Miss, ako nga pala si C-' tapos natigilan ako dahil may nagsalita mula sa likuran namin. Ang sabi ay... 'Beb!' pagtingin ko halos ka-edad ko lang din tapos sabi ko sa sarili ko, ay, sayang naman! Taken na pala siya, tapos ito ang malala,"
"Bakit? Ano'ng meron?" Fail ka tuloy!
"Sabi no'ng chick do'n sa lalaki, 'Oh beb? Nand'yan ka na pala? Ang tagal mo! Ang kulit na nitong anak mo,' tapos 'yon lumayo na ako sa kanila, dahil happy family naman pala,"
Hindi ko napigilan, pero tumawa ako nang malakas. Sobrang epic fail ng nangyari sa kanya.
"Nagulantang ako, hindi pala sila magkapatid, mag-ina sila,"
Tumawa lang ako nang tumawa, dahil nakatatawa 'yong gulat at disappointment na mukha ni Cee.
"Makatawa ka naman, wagas."
"Napahiya ka pala e!"
"Ang saya mo naman!"
'Di ko mapigilang tumawa pero tumigil na rin ako dahil may itatanong ako sa kanya.
"Ay! Bakit mo pala ikinuwento sa akin 'yan? Ano'ng essence?" E baka na-miss ko 'yong purpose kaya mabuti nang malinaw.
"Bigla ko kasing naalala si Cheska," sabi niya at nalungkot ang mga mata. Halata ang kaba at pagkabahala.
"Alam mo ba, naisip ko tuloy na karma ko na 'to," dagdag pa niya.
"At sa kapatid mo binabawi?" 'yon ang una kong naisip.
"Oo, gano'n na nga," kung ako kasi sa kanya, tigilan na niya para hindi siya nag-iisip nang ganito.
"Magbago ka na kasi!" panunukso ko sa kanya.
"Let me think about it," sabi niya sa akin tapos kumindat.
-------
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 7
Start from the beginning
