Nang lumipas ang dalawang taon ay bumalik si Kenneth dito sa Royce at isang araw ay hindi inaasahang nagkasalubong kami sa supermarket.

"Joan?" tanong niya. Natulala ako sa nakita ko, hindi ko alam kung paano magre-react kaya tanging mga paa ko na lang ang gumawa ng paraan. Pinigil ko ang aking mga luha at binilisan pa ang paglakad, kulang na lang ay tumakbo na ako o lumipad.

"Joan!" tawag ni Kenneth. Hindi ako lumingon sa mga tawag niya at derederetso lang ang ako sa paglalakad.

Hindi ko maintindihan ang eksaktong nararamdaman niya. Galit ba o inis o suklam? Parang lahat ng choices. Buwisit! Mas gusto kong lumayo ngayon sa dahilan kung bakit ako nasasaktan. Nakarating ako sa bahay nang walang nangyayaring masama. Thank God!

Nang gabing 'yon ay napakadami kong ginagawang mga projects at homework para sa school. Malapit na ang due kaya naman kahit gustuhin kong sumama sa party ng pinsan ko ay hindi ko magawa kaya naman naiwan akong mag-isa sa bahay. Nakahanap ako sa laptop at nagta-type ng mga bagay-bagay nang biglang may nag-doorbell kasabay ang pagsigaw.

"Tao po!"

"Teka lang po," sagot ko naman.

"Tao po," sabi uli ng tao sa labas.

"Hay abala!" napabuntong hininga pa ako, tumayo at lumabas.

"Nand'yan na. Sino ba-" naputol ang sinasabi ko dahil nasa harapan ko ang taong nasa gate.

Gustong umurong ng mga paa ko para lang hindi makita si Kenneth pero para akong estatwa sa sa kinatatayuan ko, natulala na naman ako.

"Joan!" sigaw ni Kenneth, halata sa boses ang pagkasabik.

"Buhay ka pa pala," sagot ko na walang kagana-gana. Hindi ko binuksan ang gate, ano siya sinusuwerte? Hindi siya makakapasok dito. Matapos nang ginawa niya sa akin? Manigas siya!

"Sorry na," sabi niya.

"Wow, nawala ka ng dalawang taon, ni ho ni ha wala, pupunta ka rito ngayon tapos 'yan lang ang masasabi mo?" sarkarstiko kong sabi sa kanya. Umiinit ang ulo ko sa lalaking 'to. Akala mo kung sino na pupunta rito at magde-demand ng kapatawaran.

"Hindi ko naman sinasadya," paliwanag niya.

"Bakit hindi mo man lang ako kinontak para kausapin?" tanong ko. Ang init na ng ulo sa pakikipag-usap sa walang hiyang ito.

"Hindi ko alam kung paano, sorry talaga!"

"Kainin mo 'yang sorry mo baka mabusog ka pa," at nagsimula na akong lumakad pabalik sa loob ng bahay.

"Joan! Na-miss kita!" at napahinto ako sa tawag niya. Lumingon ako at lumakad palapit sa gate. Ngumiti, natulala at nagsalita.

"Miss mo 'ko? Lumapit ka dito dali," lumapit ang mukha ni Kenneth at biglang nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng galit. Sinampal ko siya at kulang na lang tumalsik ang panga niya sa sobrang lakas. Pero siyempre joke lang 'yon, sarado 'yong gate, paano masasampal?

"Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya.

"Alam ko naman na hindi na natin mababalik 'yong sa atin," sabi niya at napaisip ako. Nag-replay pa sa isip ko ang lahat ng magagandang memories namin.

"Buti alam mo!"

"Pero sana maging magkaibigan tayo kahit paano," ang kapal ng mukha niyang mag-demand! Hindi ko siya mapapatawad!

"Manigas ka! Kahit magunaw pa ang mundo bukas, hindi kita mapapatawad. Umalis ka na!" taboy ko sa kanya. Wala na rin namang nagawa si Kenneth kaya naman umalis na siya.

"Ah! Ayoko nang magkuwento," sabi ko kay Cee. Nakatitig na nakatitig kasi siya sa akin.

"Hindi pa tapos e, ang daya mo!" sabi niya at kumunot pa ang noo. Ayoko na sanang alalahanin itong lahat pero palagay ko, ang isang paraan sa pag-move on ay ang pagtanggap sa katotohanan at tawanan na lang ang nakaraan.

"Oh sige na nga,"

"E paano mo siya napatawad?"

"Nagtiyaga siya na araw-araw pumunta sa amin para humingi ng tawad,"

"Naks, haba rin ng buhok mo, ano?"

"Ano ka ba, Cee? Pinagpalit niya ako sa ibang babae nang walang pakundangan,"

"E malay mo naman may kasalanan ka rin," gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya ngayon.

"Ang naging kasalanan ko lang ay masyado akong nagtiwala sa kanya na tutuparin niya 'yong mga sinabi niya sa akin bago siya umalis," paliwanag ko at nagpipigil ng inis.

"Teka lang naman, chill,"

"E teka nga, bakit ako lang ang kuwento nang kuwento, magkuwento ka naman d'yan," nakahalata na ako. Aba, ako lang ang salita nang salita samantalang siya ay nakikinig lang. E palagay ko naman ay mas interesting ang kuwento niya.

"Ah... eh..." ang tanging nasabi niya.

"I, O, U?" dugtong ko pero inaasar ko lang siya.

"Next time na lang, gabi na rin, aalis na ako," sabi niya.

"Ay, gano'n? 'Pag tungkol sa'yo, ayaw na pag-usapan? Unfair!" protesta ko. E kasi naman! Porke't siya na 'yong pag-uusapan, ayaw na niya. Napakadaya!

"Hindi sa gano'n pero kailangan ko na talagang umuwi, ano pa lang number mo?" tanong niya sa akin. Aba! Ang bilis naman yata. Number ko agad? No!

"At bakit ko naman ibibigay ang number ko sa'yo? Ayoko nga," hinablot niya 'yong phone ko na kasalukuyang nasa lamesa.

"Hoy! Akin na 'yan! Ano'ng gagawin mo sa phone ko?" pumindot siya ng ilang keys tapos inilagay 'yong phone sa may tainga niya na para bang may tinatawagan.

"Hoy! 'Wag mong ubusin ang load ko!" Sigaw ko sa kanya kaya nagtinginan 'yong mga nasa kabilang table pero hinayaan ko na lang din.

"Oh, ayan nasa akin na ang number mo, bye!" ibinalik niya sa akin ang phone at tuluyan na siyang umalis. Kainis 'yon!

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now