"Oo na," wala na akong nagawa. Ano bang laban ko sa totoo?
"Tara, ilibre mo na lang ako ng McFloat," sabi niya.
"Ako nga ang dapat mong ilibre d'yan," sabi ko sa kanya.
"Sige na nga, kahit labag sa kalooban ko," ang weird dahil magkaaway lang kami kanina pero ngayon ay magkasama na kaming pupunta sa Mcdo.
"Joan ang pangalan mo, tama?" tanong ni Cee nang makaupo kami sa gawing kanan ng Mcdo.
"Bakit mo tinatanong?" balik na tanong ko.
"Eh kanina pa kita kausap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo,"
"Ikaw muna, Cee, 'di ba?" tanong ko sa kanya.
"Una akong nagtanong tapos tanong din ang sagot mo. Hay! Mga babae nga naman,"
"Sumagot ka na lang!"
"Christian Paolo Villonco pero Cee na lang, ano masaya ka na ba?" ang sungit din ng isang 'to, tinatanong ko lang e.
"Cee? Ako naman si Joan Marie dela Vega pero Joan ang tawag sa akin ng lahat," sagot ko sa kanya.
"Ah, taga saan ka?" tanong niya.
"Bakit mo tinatanong? Sindikato ka ba o akyat bahay?" biro ko sa kanya.
"Mukha ba akong parte ng sindikato o akyat bahay?" nanlaki pa ang singkit niyang mga mata.
"Baka lang, mahirap na," inaasar ko lang talaga siya sa mga tanong ko.
"Once and for all, wala akong masamang plano sa'yo, masama lang siguro ang una nating encounter. Hmm... ano kaya kung magsimula uli tayo?" suggest niya na sa palagay ko naman ay magandang ideya.
May point siya na masama nga dahil ilang araw pa lang kami magkakilala pero puro pag-aaway ang nangyari sa pagitan namin.
"Ah, sige, mukhang tama ka naman," pagsang-ayon ko.
"Ako nga pala si Cee, nice meeting you," sabi niya tapos lahad ang kamay sa harapan ko.
Nag-alangan akong tanggapin dahil mahahawakan ko ang kamay niya. Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo kaya naman hinatak niya 'yong kanang kamay ko para tanggapin ang handshake niya.
"Taga saan ka nga uli?" tanong niya.
"Dito lang sa Royce, ikaw ba?" sagot ko.
"Ah, taga Wheeler ako,"
At nagkuwentuhan na nga kami nang nagkuwentuhan. Hindi ko akalain na may mabuting loob nga naman ang isang ito. Mukhang mali ako sa unang pagkakakilala ko sa kanya.
"E taga Wheeler ka pala, bakit ka laging nandito sa Mcdo Royce?" tanong ko. Nagtataka lang ako kasi medyo malayo rin kasi ang Wheeler.
"E kasi wala namang Mcdo sa Wheeler," sabi niya. Talaga?
"Seryoso ka?" hindi siya ngumiti kaya mukhang seryoso nga siya at hindi nagbibiro.
"Oo,"
"Kaya naman pala lagi kang nandito,"
"Ay, teka order lang ako, float gusto mo?"
"Oo naman, tsaka Big Mac, spaghetti, fries, sundae-"
"Ikaw na kaya umorder? Mamumulubi ako sa'yo e!" napangiti ako sa sinabi niya.
"Oh, e 'di float na lang, nakakahiya naman sa'yo," tapos sumimangot ako kunwari.
"Baboy ka pala kumain, ano?" Grabe talaga siya! Ang prangka masyado pero ayos din dahil honest siya at hindi mo kailangan hulaan ang iniisip.
"Aba! Umorder ka na nga, float na lang," sabi ko.
"Nahiya ka pa, alam ko naman na wala ka no'n," panunukso niya. Nasaan ba 'yong pison ko?
"Aba't ang hambog! Gusto mo na naman ng away?"
"Joke, oh, sige, Oorder lang ako,"
Umalis na siya sa harapan ko at tumuloy na sa counter para umorder ng pagkain habang ako naman ay naiwan sa lamesa. Napangiti ako sa pang-aasar na ginagawa ko kay Cee. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito sa bagong kakilala. Basta, nakatutuwa na nakakaasar siyang kabangayan.
"Bakit kaya ang gaan ng loob ko sa CEEra ulo na ito? Ang weird talaga!"
"'Wag mo nga akong kaisipin, Mojo Jojo," nagulat ako nang bigla na lang siyang nagsalita sa may tainga ko.
"Kapal mo talaga! Bagay sa'yo ang nickname mo Cee, dahil CEEra ulo ka," depensa ko.
"Teka, Mojo Jojo? Unggoy 'yon, 'di ba?"
"That's the point," sabi niya at tumawa pa nang malakas. Pinipikon ba talaga ako ng isang 'to? Nakakaasar! Double dead ito sa akin mamaya e kapag inasar pa ako.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong ko.
"Wala, sabi ko nga kakain na lang ako, Mojo Jojo," inulit na naman niya 'yong pangalan ng character.
"'Wag mo nga akong tawaging ganyan, babanatan kita e!" ayan na nga at nagbanta na ako.
"Mojow, Mojow, Mojow! Tama, Mojow na lang for short. 'Yon na ang tawag ko sa'yo simula ngayon," sabi niya. Kaasar! Ito ba ang kabayaran ng libreng pagkain?
"Tse! Tigilan mo nga ako! CEEra ulo ka talaga,"
Nasa harapan naming dalawa ang order niya: monster float, isang large fries, 2 chicken sandwiches at 2 spaghetti.
"Nawalan na ako ng gana," sabi ko sa kanya. Aasarin ko lang ba!
"Talaga, Mojow?" tanong niya at dumampot ng isang piraso fries at kinain. Napalunok tuloy ako. Gutom na kasi talaga ako e!
"Oo, ah, sabi ng tigilan mo 'yang Mojow na 'yan," sabi ko.
"Joke ba 'yang walang gana?" binuksan niya 'yong isang chicken sandwich at pinaamoy pa sa akin.
"Sure ka na? Masarap 'to," tapos kumagat na siya.
Natulala ako sa sarap ng pagkain na order niya. Hindi ko na napigilan kaya kumain na rin ako.
"Sabi na nga ba at hindi mo rin matitiis, Mojow," nakangiti siya sa akin nang malaki.
"Hindi sabi Mojow ang pangalan ko," pagpipilit ko sa katotohanan. Ano raw?
"Wala ka nang magagawa, Mojow na ang pangalan mo ngayon," panunukso pa rin niya.
"Hay naku, fine, whatever, CEEra ulo,"
Kumain kami habang nagkukuwentuhan. Matagal tagal din kasi kaming nag-usap sa simbahan kanina kaya naman nalipasan na rin ako ng gutom.
"Mojow, na-meet mo na ba 'yong kapatid ko?" tanong niya.
"Ah, oo, pero hindi naman kami nakapag-usap dahil alam kong mainit ang dugo n'ya sa akin dahil kay bes, kakasabi ko lang sa'yo kanina."
"Ah, gano'n? Paano ba kasi kayo naging mag-best friend ng Kenneth na 'yon?" tanong niya at halata sa tingin ang kuryosidad.
"Mahabang kuwento," sagot ko.
Para kasing ngayon pa lang naman kami nag-usap, ang dami na niyang alam sa akin. Hindi normal.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 4
Start from the beginning
