Tumango ako. "We'll see you in the lobby, Uncle."

"All right." Tumalikod na ito at muling tinunton ang pasilyo patungo sa opisina nito.

Babalikwas na sana ako papasok sa opisina nang makarinig ng sigaw. Kumunot ako nang mapagtantong boses iyon ng babae.

Osang?!

"Osang! Osang!" malakas na sigaw ko pa habang tinatakbo ang madilim na pasilyo.

"Hunter!" si Uncle na agad ding nataranta nang madaanan ko ang kanyang opisina.

"Call the security!" mahigpit na bilin ko pa.

Hindi ko na nakita kung tumango siya o naunawaan niya ang sinabi ko. Ilang malalaking hakbang ay narating ko ang opisina ni Osang at naabutan siyang nakatunganga sa tila nabasag na gamit doon.

Mabilis akong nakalapit at nag-aalalang hinagod ang magkabila niyang mga braso. My heart was racing. I could almost feel that it would burst any minute.

"I'm s-sorry..." nanginginig pang aniya at muling bumagsak ang mga mata sa nabasag na gamit doon.

"What happened, Love? Okay ka lang ba?" Hinaplos ko ang kanyang pisngi at sunod-sunod naman siyang tumango.

"Sorry... Nabitiwan ko ang pitsel. Hindi ko sinasadya..."

"Pitsel?" Kumunot ako at magtatanong sana ulit nang sumulpot na si Uncle Bien kasunod ang security.

"What happened?" nag-aalalang tanong agad ni Uncle Bien nang makalapit sa amin.

Mabilis na umikot ang security sa opisina, pero maagap din iyong pinigilan ni Osang.

"Ayos lang po ako. Wala na pong ibang tao maliban sa akin. Dumulas sa hawak ko ang pitsel. Nataranta lang ako kasi nagulat din ako. Sorry po," mabilis na paliwanag ni Osang kasabay nang pamumula ng kanyang mga pisngi.

Kinagat niya ang kanyang labi at nahihiyang iginala ang tingin sa security na noo'y seryosong nakatunghay lang sa kanya.

Noon na lang yata ako nakahinga nang maluwag. Akala ko'y may masamang nangyari na sa kanya. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kung nagkataon.

"Are you sure you're okay, Love?" paniniguro ko pa habang mabilis na pinapasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.

Tumango siya at tipid na ngumiti.

"Sorry, Love..." apologetic pang aniya.

Umiling ako at mabilis siyang niyakap. My racing heart was beginning to relax a little.

"Stay with the protocol, guys," mahigpit na bilin pa ni Uncle Bien sa mga security. "Make rounds before we leave the building, are we clear?"

Tumango ang mga inutusan at mabilis na nagsenyasan bago kami iwan.

Nang makaalis ang mga ito ay tsaka na lang lumapit sa amin si Uncle at banayad na tinapik sa balikat si Osang.

"Hindi ka ba nasugatan, hija?" nag-aalala pa nitong tanong at mabilis ding pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito.

"Ayos lang po ako. Salamat po at pasensya na."

"Wala 'yon, hija. Nag-alala lang kami para sa 'yo. We should get ready to leave. I am starving." Hinimas pa nito ang tiyan bago nakangiting kumindat. "See you both in a while."

"We'll see you, Uncle," maagap na sagot ko.

Tumango lang ito bago tumalikod at muling bumalik sa opisina nito.

Muli akong bumalikwas pabalik sa opisina at nag-ayos naman si Osang ng kanyang gamit. Kahit pa alam kong walang nangyaring masama ay hindi ko maialis ang kaba.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now