Mukhang kahit siya ay nakalimot na kailangan naming kumain.

"Sore?" namumula pa niyang tanong.

"Yeah..." Tumango ako at pinagapang ang aking kamay sa kanyang hitang natatakpan ng palda.

Nang marating ng kamay ko ang kanyang gitna ay mas diniinan ko ang hawak doon at hinaplos iyon.

Suminghap siya at awang ang mga labing tumitig sa akin.

"Here, Love."

Kinagat niya ang kanyang labi at parang nahihiyang umiling. She's a virgin when I got her. I completely understand if she felt awkward about me talking dirty. But damn, I couldn't help it.

I wanted to make love to her again.

"Puro ka kalokohan, Hunter..." namumulang aniya sabay hawak nang mahigpit sa kamay kong naglilikot kung saan.

Humalakhak ako at muli siyang hinalikan sa mga labi.

"Akala ko ba nagugutom ka na?" natatawang humiwalay siya sa akin habang ako naman ay patuloy pa rin sa paghalik kung saanman tumama ang aking mga labi.

"Yeah. Gutom na gutom sa 'yo, Love."

Malakas niya akong sinapak sa balikat at buong puwersang lumayo.

"Kumain na tayo, Mr. San Victores! Hindi iyang puro kamanyakan ang naiisip mo!" iirap-irap pang aniya bago umalis sa aking kandungan at muling umikot sa kabilang side ng table.

Iiling-iling akong kuntodong sumandal sa swivel chair at bahagyang umayos ng upo. My hardness was so evident. I couldn't believe that I'll be best friend with the comfort room again.

Umiirap niyang inilabas ang pagkain sa paper bag at ipinatong iyon sa glass table.

I raised a brow and she rolled her eyes, almost comically.

"'Wag kang magpa-cute, mister!"

"What? I am not doing anything!" depensa ko pa na muling nagpairap sa kanya.

"Wala raw! Hmp!"

Kinagat ko ang aking labi at naiiling na dumiretso na lang ng upo.

"These smells good." Bahagya akong yumuko at pinasadahan ng tingin ang mga ulam na nakalagay sa styro. "Where did you buy these?"

"Sa tabi-tabi lang. Masarap naman iyan kaya 'wag ka na umarte. Wala pa akong pambili sa mamahaling restaurant."

"Ako pa ba, Love? Sunog na niluto ko nga kinakain ko, remember?" Nagtaas ako ng kilay at natatawa naman siyang nag-peace sign.

"Oh well, baka kasi ngayong ayos na kahit papaano ang memory mo, baka iba na rin ang hinahanap ng tiyan mo."

"Hmm... Not really. Sanay na yata ako sa gulay."

"Mas okay ang gulay, 'di ba? Let's eat!"

"Okay."

We happily shared the most delicious lunch ever.

The day went well like my usual days. I spent most of my hours at the office and client meetings. Halos wala ng tao sa building nang lumabas ako ng opisina.

"Hunter, hijo..." si Uncle Bien.

He looked really exhausted. Gaya ko'y sobrang abala rin siya sa kabi-kabilang meeting.

"Uncle, bakit hindi ka pa umuuwi?"

"May tinapos lang ako sa opisina, hijo. Nag-dinner ka na ba? Sabay na tayo?"

"Sure, pero kasama ko kasi si Osang. Is it okay if we tag her along with us?" Nilingon ko ang ilang opisinang nagdidilim na.

"Of course, sure," tumatangong sagot pa nito. "I'll just get my atache case."

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now