"When this is all over... you can get back to the life you have before. Or maybe, you could apply to SVGC again and let's see what you've got."

Nakangiti akong nagtaas ng kilay at nangingiti naman niyang inalog-alog ang basong may lamang alak.

"Talaga lang, huh? Baka naman sesantehin mo agad ako, hindi pa man ako nagsisimula?"

Nagpakawala siya ng manipis na tawa bago mabilis na tumayo at lumagay sa aking tagiliran. Lumuhod siya sa harapan ko at agad na ginagap ang aking kamay na natitiyak kong nanlalamig na rin.

What the hell was he doing?!

"Ngayon ko pa ba gawin 'yon sa 'yo? Kung kailan hindi ko na kayang wala ka sa buhay ko?"

Umawang ang aking mga labi at napatitig na lang sa kanyang gwapong mukha. Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay nasisiguro kong naririnig niya iyon!

"Mag-apply ka ulit at gagawin pa kitang personal secretary ko." Ngumisi siya at kinikilig naman akong umiling-iling para pagtakpan ang nararamdaman.

"Mataas ang talent fee ko." Ngumuso ako at matalim na umirap.

Natatawa niyang inangat ang aking kamay at ginawaran ng halik ang likod ng aking palad.

"It's already a done deal. Basta't nandoon ka lang at kasama kita."

"Talaga lang, huh?"

Ilang beses siyang tumango at muling hinagkan ang aking kamay.

"You're hired. Magsisimula ka na rin bukas."

Umawang ang mga labi ko sa sobrang gulat.

"Agad agad?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan.

Naglalaro man ang ngiti sa kanyang mga labi ay natitiyak kong hindi biro iyon. Seryoso siya at sigurado ako roon.

"I want you to come with me tomorrow..."

"H-hunter..?"

"I know it was too much to ask. But I need you there with me. I'll make sure that you'll be safe if that is what you're worried about. I'll double your security-"

"I'll come with you," pinal kong sagot.

Ramdam ko ang pangangailangan niya sa akin at hindi ko kayang pahindian iyon.

Nakaawang ang mga labi niyang tumitig sa akin. Tila ba hindi inaasahang ganoon ako kabilis magdesisyon.

"G-great... That would be great, Love..."

Nang marinig ko na naman ang "love" ay kulang na lang ay malusaw ang puso ko.

"I can still call you Love?" nakangiwi pa niyang tanong.

"Kahit sa office?" natatawa kong balik ng tanong.

"Especially at the office."

Ngumuso ako at manipis na umirap.

"Bakit? Tayo na ba?"

Manipis lang siyang humalakhak bago mas kinabig ako palapit at ginawaran ng masuyong halik ang aking leeg. Agad na nanulay ang kuryente sa aking buong katawan at nagtayuan ang aking mga balahibo.

"Puwede ba?" bulong pa niya sa aking punong-tainga.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mainit niyang hininga roon.

"Pag-iisipan ko pa," lakas-loob ko ring sagot kahit na nga unti-unting nawawalan ng lakas ang aking katawan.

Gusto ko na lang malusaw sa kanyang mga braso at manatili sa init ng kanyang yakap.

Nagpakawala siya ng manipis na halakhak bago inikot ang kanyang mga braso sa aking baywang at isinandig ang kanyang ulo sa aking balikat. At kahit pa nakangiti siya ay lungkot ang naramdaman ko sa ginawa niyang iyon.

"I need you, Love. I really hope that's okay with you."

Tumango ako at kabadong hinaplos ang kanyang buhok.

Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon bago maghiwalay. Kahit pa hindi niya sabihin lahat ay ramdam ko ang bigat ng kanyang dinadala. At alam kong dagdag din ako at ang nawawala kong kapatid sa isipin niya.

"I'm sorry... Ubusin mo muna ang pagkain mo at sabay na tayong umakyat sa kwarto."

Ngumiti ako at inubos na muna ang laman ng aking plato.

Nang makatapos ay sabay nga kaming umakyat sa ikalawang palapag nang magkahawak-kamay. Wala ni isa sa amin ang naglakas loob na basagin ang katahimikan. Maski ako ay naduduwag na hindi ko maintindihan. Siguro nga ay patong patong na lang din ang pangyayari kung kaya't parang ang hirap na manimbang.

"I'll see you tomorrow?" Mapait pa siyang ngumiti bago banayad na pinisil ang aking pisngi.

"Okay." Tumango ako at matamis na ngumiti.

"Um..." Nagkakamot pa siya ng ulong tumitig sa akin na para bang may gusto pang sabihin.

"What?" Hindi ko napigilan ang matawa lalo pa nga't hindi ako sanay na makita siyang tensyonado.

"C-can I kiss you?"

Pakiwari ko'y agad na kumalat ang init sa aking pisngi nang tanungin niya iyon. Ano bang dapat na isagot sa ganoon?

"Kiss?"

"Um... yeah. Shit. I am acting fast again, didn't I?" nag-aalangan pang aniya at para bang gulat na gulat din sa sariling request. "I'm sorry. I just have a lot going on with my mind right now. I am really sorry for asking you that. It was so stupid of me."

Manipis lang akong natawa. Hindi na nga yata mabilang ang mga pagkakataong hinalikan niya ako nang 'di nagpapaalam, ngayon pa siya mag-aalangan?

"Kailan ka pa natutong magtanong?"

Namumulang nagkamot lang siya ng batok at tila ninenerbiyos na sumagot.

"O-oo nga. S-sorry. You may go to sleep. I'll see you tomorrow."

Tangka sana siyang tatalikod nang kalabitin ko siya sa likod at nang humarap siya ay walang pagdadalawang-isip akong nag-ukyabit sa kanyang batok at masuyong hinalikan ang kanyang mga labi.

Hindi ko man masabi ang tunay kong nararamdaman, alam kong sa kilos ay kuhang-kuha na niya ang ibig kong ipakahulugan.

"Good night." Nakangiti kong pinutol ang halik at kagat-labing tumalikod.

"Good night, Love..."

Naniniwala akong gagaan din ang lahat ng ito sa mga susunod na araw. Hindi magiging madali, pero alam kong malalagpasan namin basta't magkasama.

I'M IN LOVE WITH A MONSTEROnde histórias criam vida. Descubra agora