"W-w-wait... I don't think this is the right time to prank, Bro. Not now, please." Umiling-iling ako at binalewala ang kanyang sinabi.

Hinintay kong sumilay ang ngiti sa mga labi niya, pero hindi iyon nangyari. Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha.

"Anak ka ng katulong ng parents mo..."

"W-what?"

"According sa informant ko, you're the son of Adelaida Legaspi. Matagal na siyang katulong ng mga magulang mo noong naninirahan pa sila sa Japan. She was diagnosed with stage four ovarian cancer, two years after your birth. Your real father was in jail in Japan. She wasn't in a relationship with him. He raped her... Ikaw ang naging bunga noon."

Ilang saglit akong natahimik sa mga impormasyong iyon. How the hell I could process it all?

"You were legally adopted by your parents since hindi rin naman sila magkaanak talaga."

"H-how?"

"I'm sorry if I needed to dig deeper into this... All I want was a background check about your family history. Wala naman tayong ibang alam sa parents mo. I was just taking chances that probably your history has something to do with the present. I wasn't expecting this at all. Parehas tayong walang alam."

Tumayo ako at piniga ang pagitan ng aking mga kilay. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko.

"I didn't know about this when I still have my memory?" I asked curiously.

"As far as I know, you were telling me everything," confident pa niyang sagot.

At kahit pa hindi pa rin kumpleto ang impormasyong naaalala ko, natitiyak kong hindi ko nga rin alam na ampon ako.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nagpari't parito sa harap ng aking table.

Ano pa nga bang hindi ko naaalala? Mayroon pa ba? May mas titindi pa ba sa pagiging ampon ko?

"Hey, you needed to relax..." nag-aalalang aniya at sinenyasan akong maupo.

Umiling ako at mapaklang ngumiti. It wasn't sinking in.

Ampon lang ako.

My mother was a maid and my father was her fvcking rapist. This was unbelievable!

"Do you think alam ni Uncle Bien ito?"

Nagkibit-balikat lang siya sa tanong kong iyon.

"Sa Japan matagal na nanirahan ang parents mo. Si Uncle Bien naman ay nandito lang sa Pilipinas kasama ang wife niya."

"Hindi rin kailanman nagkaanak si Uncle..."

"Hmm... Kaya siguro anak na rin ang turing niya sa 'yo."

Mariin akong pumikit at pilit na umalala. Pero sakit ng ulo lang ang naging dulot noon sa akin. Muli akong umupo at nanghihinang hinilot-hilot ang aking sentido. This was just getting better.

"The good news is... You're still the legal heir of the San Victores empire."

"Yeah... and someone out there just wanted to kill me? Isn't that fascinating?"

Mapakla lang siyang ngumiti kasunod ang mararahang iling.

"Gago ka kasi sa babae. Ayan tuloy!" may himig paninisi pa niyang sabi.

Nagpakawala ako ng isang mapaklang ngiti at umiling na lang din.

"Do you think may iba pang original na San Victores na possibleng naghahabol sa yaman ninyo?" seryosong tanong pa niya.

Saglit akong nag-isip. Sa pagkakaalam ko ay dalawang magkapatid lang naman sina Papa at si Uncle Bien. But knowing my Uncle, it was just impossible. He was like a father to me. Kung mayroon mang gusto akong gawan ng masama, natitiyak kong iyon ang mga taong naagrabyado ko... tulad ni Don Facundo Romualdez.

"Si Uncle Bien na lang ang natitirang pamilya ko. He is a good man."

Tumango lang naman siya sa sinabi kong iyon. Alam kong mabusisi si Russ sa pag-iimbestiga. Sana lang din ay hindi ko mailagay ang buhay niya sa alanganin.

"Kumusta nga pala si Don Facundo at Vans? Are they still together after the video scandal?" I asked curiously.

"As far as I know, magkahiwalay na sila. May balitang binugbog ni Don Facundo si Vans."

"We both knew that I am not the only man she slept with. She's a slut."

"Kaso ikaw 'yong may video  and, Don Facundo wouldn't be pleased to see you for sure."

Tumango ako at alam ko naman iyon. I only fvck her once. Karma really had its way to punish me.

"Sa tingin mo idedemanda niya ako?"

Saglit siyang nag-isip bago umiling-iling.

"I don't think so. Your video was only sensationalized because you're a famous business tycoon. May ibang video pa si Vans na nakakalat sa social media at pinalinis lang iyon ni Don Facundo para na rin hindi na siya mapag-usapan."

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at diretsong sumandal sa swivel chair.

"That's a lesson learned, Bro," sarkastiko pa niyang bitaw.

"I know."

"And what are you going to do with Osang?" mabilis na pag-iiba pa niya.

"She'll live here with me."

"Kayo na ba?" nangingiti pa niyang tanong.

"I don't know. Talagang iyan ang tanong mo, huh?" I smirked.

"I am not your biggest fan, but the man you turned out to be after the accident is far better than the monster I'd known before."

Manipis lang akong natawa sa sinabi niyang iyon.

"But yeah, I think I like the gentleman you are right now."

"We both knew that I am not a gentleman," mabilis ko ring kontra.

"I think you have it in you all along," he mocked. "I think I should take a picture of you when you're looking at Osang. You are so whipped, Bro."

Natatawa lang akong umiling-iling. Siguro nga ay maraming nabago sa akin. And yeah, I think I liked myself now than before.

"Pero Bro... Sana lang sigurado ka na sa pinapasok mo kay Osang. She's so broken right now. Ako mismo ang papatay sa 'yo kapag sinaktan mo siya," may pagbabantang aniya.

"Don't tell me, in love ka rin kay Osang?" Kumunot ako at sinamaan siya ng tingin.

Malakas lang siyang humalakhak at umiling.

"Nope. Nag-iisa lang si Ysha sa buhay ko. Ang sa akin lang, hindi deserved ni Osang na masaktan lang ng kagaya mo."

"You're too harsh, huh?"

"I am just being honest. Gago ka sa babae."

I couldn't deny that. Ganoon naman talaga ako dati. Kung nakikialam man siya ngayon sa mga desisyon ko, iyon ay dahil nagmamalasakit siya kay Osang.

"I'm in love with her," seryoso at matapat ko rin namang sabi.

Tumango siya. "I know."

At sana nga lang, matapos na ang gulong ito sa buhay ko at makapagsimula ulit ng tahimik kasama si Osang. 

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now