"Thanks ulit, Ding," pahabol pa nito sabay pisil sa braso ng asawa ko!

The nerve of this girl!

"Doon na tayo tumayo. Baka matumba tayo rito." Itinuro ko pa ang espasyong malapit lang din kay Regina.

Agad naman din siyang tumango. Pero bago pa man ako makaikot ay biglang nagpreno ang truck dahilan para mawalan ulit ako ng balanse. Pero naging mabilis din ang kanyang kilos at maagap niya akong nahapit sa baywang.

His face was inches from me. I could smell his minty breathe fanning my face.

I could actually die right now.

Mahirap yatang masanay na ganitong kalapit sa kanya palagi.

"Are you all right?" malambing na tanong pa niya, pero bago pa man ako makasagot ay pinagtutukso na kami ng mga nakapaligid sa amin.

"Ang gwapo ng asawa mo, Osang! Pa-kiss naman!" tukso pa ng isa rin sa kapitbahay ni Regina.

"Bawal po. Para sa akin lang 'to." Ngumuso ako at umirap.

Natatawa namang umiling-iling si Hunter habang inaalalayan ako palapit sa puwesto nina Carina at Regina.

Nang makita kami ni Regina ay dali-dali siyang lumipat sa tabi ni Hunter. Tumikhim ako at makahulugang nakipagtapunan ng tingin kay Carina na iirap-irap din kay Regina.

Sumimangot ako at idiniretso ang tingin sa daan. Mukhang sisirain ng babaeng 'to ang araw ko!

Mahigpit akong kumapit sa hand rail nang bumilis ang takbo ng truck. Pero ganoon na lang din ang gulat ko nang biglang lumagay sa likuran ko si Hunter at itinuko ang mga kamay sa hand rail at nakulong ako sa kanyang mga braso.

Nakangiti ko siyang nilingon at naging maagap din naman ang galaw niya at ginawaran ako ng halik sa noo. Inikot niya ang isang kamay niya sa baywang ko matapos na gawin iyon. Pakiramdam ko ay nalaglag na ang puso ko sa truck sa ginawa niyang iyon.

"Ang suwerte naman, Osang. May yumayakap na!" muli ay tukso galing sa aming likuran.

Ngumiti na lang ako sa kawalan. Kung alam lang nila ang totoo.

Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na rin kami sa hihintuan ng truck. Iisang beses pa lang naman ako nakarating sa Talon Pari. Kakailanganin naming maglakad pa ng malayu-layo bago makarating sa lugar na iyon.

Mapait akong ngumiti nang maalala ang aking kapatid. Kung sana'y nandito lang siya, alam kong sobrang ma-e-enjoy niya ang paliligo sa talon.

"A penny for your thoughts?"

Bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses na iyon ni Hunter.

"Na-miss ko lang si Kuya. Mahilig kasi iyon sa mga ganitong lakaran."

"Haven't you heard from him?"

Umiling lang ako. Kung sana'y alam ko man lang kung nasaan siya. Hindi sana ako mag-aalala ng ganito.

"We could ask the help of the police..."

"No," maagap kong tanggi kasabay ang iling.

Ayoko munang ma-involve ang pulis sa kahit na ano. Itinatago ko si Hunter sa mga ito. Kapag nag-imbestiga sila, maaaring mabunyag ang lahat. I just hope my brother was okay. Wala akong ibang ipinagdarasal kundi iyon. Makaalala lang siya ay tsaka ako hihingi ng tulong sa pulis kung iyon man ang dapat na gawin.

"I knew he's okay somewhere. He will be okay. Matatag 'yon."

Humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga sa sagot kong iyon kasunod ang tango. Kung puwede ko lang sabihin na ang lahat sa kanya. Pero natatakot ako sa magiging desisyon niya kapag nangyari iyon. Baka hindi niya ako paniwalaan.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon