Tahimik siyang lumabas ng trysikel at sumenyas na pumasok na ako sa loob. Walang kibo akong sumunod at nakiramdam. Pero nang sumakay na rin siya sa tabi ko ay hindi ko na maipaliwanag ang pakiramdam. Nanlamig ang aking mga kamay at tila nanuyo rin pati na ang aking lalamunan. Natetensyon akong hindi ko maipaliwanag.

Ilang araw niya akong hindi tinitingnan at kinakausap. At kahit pa sa pagkain ay palagi niya akong pinapauna.

Nang umandar ang trysikel at humampas ang malamig na hangin sa aking mukha ay napapikit na lang ako. I missed him so much. At kahit pa ang amoy niyang pumupuno sa trysikel... sobrang miss na miss ko.

"I'm sorry..." bulong pa niya. "Hindi kita dapat pinipilit kung ayaw mo..." Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin. "I'm sorry, Love..."

Naumid ang aking dila at ilang saglit na hindi ko nagawang makapagsalita. Agad na nangilid ang aking luha kasabayan nang pagbabara sa aking lalamunan. Parang hindi ko magagawang makapagsalita dahil sa pagpipigil na umiyak.

"I can understand if you need-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sa halip ay pinatakan ko ng halik ang kanyang mga labi.

Gulat naman siyang tumitig sa akin na para bang hindi inaasahan na gagawin ko iyon.

"I'm sorry too, Love... I'm sorry," naiiyak ko ring bulong.

Marahan siyang tumango habang titig na titig sa aking mukha. Hindi ako sigurado sa isinisigaw ng kanyang mga mata, pero sapat ang lamlam noon para maramdamang nahirapan siya sa sitwasyon naming dalawa nitong nakakaraan.

Ginagap niya ang aking mukha at marahang yumuko upang sakupin ang aking mga labi. Naglandas ang luha sa aking pisngi kasabay nang pagwawala ng puso ko sa hindi maipaliwanag na saya.

Maybe, Rhys was right. Habang masaya pa, I should just live the most out of it. Hindi ko man sigurado ang happy ending, at least sinubukan ko.

And I will tell him the truth. Hahanap lang ako ng tiyempo.

Agad din naman niyang pinutol ang halik at sa halip ay ikinulong na lang niya ako sa kanyang mga braso.

This felt surreal.

Dati'y pinapangarap ko lang ang yakap at halik. Ngayon ay nakukuha ko na kahit na hindi ko pa hinihingi. Pero alam kong isa lang din ang kalalabasan ng mga maling desisyon kong ito.

Ako ang masasaktan sa huli.

Iyon ang sigurado ko.

Nang makarating kami sa kantong aming bababaan ay nakabibingi pa rin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Para bang nagkakahiyaan kami na hindi ko rin maintindihan.

"Hindi ka yata sinundo ni Calvin?" kaswal na tanong pa niya.

Akala mo ba hindi niya pinagselosan nang husto ang taong iyon.

"Absent daw sabi ni Rhys," kaswal ding sagot ko kahit na nga hindi ko maiwasang kabahan.

Hindi na siya kumibo sa sagot kong iyon. Sa totoo lang ay ayoko nang pag-usapan namin si Calvin kung aatakihin lang din siya ng selos.

Kahit pa nag-aalangan ay kumapit ako sa kanyang matipunong braso at agad naman din siyang napalingon sa akin. Para bang hindi inaasahang gagawin ko iyon.

"Anong niluto mong hapunan natin?" malambing ko pang tanong.

"Hmm... Nothing special. De lata lang." Tipid pa siyang ngumiti at ginagap ang kamay kong nakakapit sa braso niya. "Okay lang ba iyon?"

"Oo naman. Walang problema. Mahirap naman talagang mag-isip ng ulam."

Tumangu-tango lang naman siya at muling ibinaling ang tingin sa daan.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now