I couldn't believe this is happening! Naliligo kami ng sabay! Paano kung dumating si Kuya? Patay ako nito!

"Slow down, love," natatawang aniya habang diretso akong pinapanood.

Wala na akong itatago. Nakita niya ako nang hubad at hindi ko naman siya asawa!

Hindi ko siya asawa!

Mabilis kong kinuha ang shampoo at nilagyan ang aking buhok. Nanginginig ako at hindi ko alam kung nahahalata ba niya iyon. Agad ko ring kinuha ang sabon at mabilisang dinaanan ang aking katawan.

"Let me do this for you..." Inabot niya ang aking buhok at ikinalat ang shampoo. "Relax, Love. I am not going to eat you..." makahulugan pa niyang sabi na nagpaawang na naman ng aking mga labi.

Sa ibang dimensyon naglalakbay ang utak ko sa sinabi niyang iyon! Ang manyak!

Kinuha niya ang sabon sa aking kamay at hindi na rin ako binigyan ng pagkakataong magprotesta. Malayang naglakbay ang kanyang mga kamay sa kurba ng aking katawan, pero iniwasang madampian ang aking pinakamaseselang parte.

Napatikhim siya at para bang hirap na hirap habang ginagawa iyon. Nang ibaba ko ang tingin sa kanyang harapan ay talaga namang namangha ako nang makita kung gaano siya kalaki at katigas.

"I never thought that this could literally kill me..." namamaos pa niyang sabi sabay bitaw sa sabon at binuhusan ang sarili ng malamig na tubig.

Nanginginig kong kinuha ang isa pang nakasabit na tabo at nakipag-unahan sa pagbubuhos.

Kung anuman itong pinapasok ko ay natitiyak kong ikasisira ko lang din pagdating ng panahon. Unti-unting nagliwanag ang aking isip at nang matantiya kong napalis na ang lahat ng sabon ay walang sabi-sabi akong lumabas ng banyo nang hindi nagpapaalam.

Tanging isang malalim na buntong-hininga ang narinig kong pinakawalan niya nang tuluyan akong makalabas.

Kipkip ko ang tuwalya nang pumasok sa kwarto at agarang ini-lock iyon.

Naglandas ang luha sa aking mga mata, pero agad ko ring pinalis iyon.

Mabilis akong gumalaw at agad na nagpunas. Hindi ko alam kung ano ba ang eksakto kong nararamdaman.

Masaya na malungkot na ewan.

Pero sa aminin ko man at hindi, alam kong mas nangingibabaw ang takot. Takot na darating ang araw na kamumuhian niya ako at tatratuhing mababang uri ng babae.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pilit na kinalma ang sarili.

Sana lang ay magbalik na ang memorya niya para matapos na lahat ng ilusyon kong ito.

Sana lang.

********

Hunter Carlson

Maghapon akong halos wala sa sarili dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Osang. I knew that what I've done was wrong. Kung bakit hindi ko mapigilan ay hindi ko rin alam. All I knew was that I was craving for her so much, it fvcking hurts.

Hindi ko namalayan na nahulog ako sa babaeng niloko ako at nagkunwaring asawa ko. Ano nga bang gagawin ko kung malaman kong may kinalaman siya sa nangyari sa akin? Will I be able to forgive her?

But no. That was just impossible. I knew in my heart that she didn't have the capacity to hurt me. Pero ang sinasabing kapatid niya, iyon ang hindi ko alam.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at umiling-iling.

I fvcking need to guard my dick. Kahit pa hindi ko alam ang totoong intensyon niya sa akin ay hindi ko pa rin siya dapat galawin.

And acting like I am a complete gentleman, felt like it didn't suit me at all.

Inayos ko ang cap sa aking ulo at pati na rin ang mumurahing sunglasses. I didn't have any choice. I needed to disguise even if it made me look so damn stupid. Alam kong mag-aalala si Osang at sa aminin ko man at sa hindi, ayokong nag-aalala siyang masyado.

Nang matanawan ko na siyang papalabas ng munisipyo ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Kung anuman itong nararamdaman ko, nasisiguro kong hindi ko pa naramdaman noon.

Pero agad ding napawi ang aking ngiti nang matanawan ang lalaking nasa likod niya.

Oh, the douchebag again.

Kinuyom ko ang aking palad at pigil na sumugod sa kanilang kinatatayuan.

She's married to me for fvck sake!

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pilit na kumalma.

Nang magawi ang tingin niya sa aking direksyon ay agad din naman siyang nagpaalam doon sa lalaki at diretsong naglakad palapit sa akin.

Saglit ding lumingon sa akin ang gagong lalaki na para bang minumukhaan ako.

May araw ka rin sa akin, gago!

"Porky Beans, bakit nandito ka na naman?" tarantang bungad pa niya habang iginagala ang tingin sa paligid.

Nagtaas ako ng kilay at pinigilang manuplado.

"Is he still trying to hit on you?"

"What?" Naguguluhan pa siyang kumunot.

"That guy. That same guy."

She dramatically rolled her eyes.

"Kasama ko nga sa munisipyo iyon. Wala lang iyon."

"Really?"

"Yes. Can we go home?"

Sa halip na kumibo ay tiim-bagang lang akong pumara ng trysikel.

I am so pissed off.

"Uy, okay ka lang ba?" tanong pa niya sabay sundot sa aking tagiliran.

Tumikhim ako at hindi kumibo. I wonder kung nakaramdam na rin ba ako ng ganitong inis dahil sa selos. May pinagselosan na rin ba ako kahit minsan? Pero mas nakalalamang sigurong ang sagot ay wala.

"Nagseselos ka na naman ba?" tanong pa niya na nagpalingon sa akin sa kanyang gawi.

Nagpipigil siya ng ngiti.

"Balewala naman sa 'yo, 'di ba?" pasuplado kong sagot.

Mabilis na kumawala ang pinipigilan niyang ngiti at kagat ang labing nag-ukyabit sa aking braso.

"Ito naman. Ikaw lang naman ang mahal ko..."

Tila huminto ang mundo sa sinabi niyang iyon. Kahit siya man ay para bang nagulat sa sobrang natural nang pagkakasabi niyang iyon.

Could it be that she's in love with me?

"You're not showing it well, Love..." naghihinampo kong sabi kahit pa halos malusaw ang puso ko sa simpleng mga salitang iyon.

"'Wag mo na lang pansinin 'yon. Kaibigan ko lang talaga iyon. Mabait naman kasi siya makitungo sa lahat."

"Mabait?"

"Oo kaya. Sobrang bait. Napakamatulungin pa."

Tumaas ang aking kilay at aburidong muling ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

She saw me as a monster.

She saw the douchebag as a kind and gentlemanly guy.

That ain't good.

I definitely needed a ring for her finger!

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now