Mariin akong napapikit dahil sa matinding kirot sa aking ulo.

I should fvcking calm down. This is not good!

"Porky Beans? Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong pa ni Osang na muling lumabas ng kubo. "Masakit ba ang ulo mo?"

Tumango lang ako at nakangiwing hinilot-hilot ang aking sentido. Tila ba binabarena iyon sa sobrang sakit.

"May iniisip ka na naman ba? 'Wag mo kasing pwersahin." Nag-aalala pa niyang hinaplos ang aking pisngi.

Saglit akong natigilan at napatitig sa kanyang mukha.

All right.

Osang was very pretty.

Wala man siya sa kalingkingan ng mga models na nakasama ko sa pictures at magazine, her beauty was exquisite. Sobrang natural ng kanyang ganda na hindi na nangangailangan ng make-up. Wala sa hitsura niya ang mangangailangang mang-stalk ng lalaki. Lalaki mismo ang hahabol sa kanya.

"Nawala na ba? Saang parte masakit? Hilutin ko ba?" magkakasunod pa niyang tanong.

She seemed sincere. Now, I am pretty sure, wala siyang masamang intensyon sa akin.

"No, Love, I am okay. Mawawala rin siguro ito." Hinilut-hilot ko ang aking sentido at sa tingin ko ay naibsan nga niyon kahit papaano ang sakit.

"Halika, mahiga ka muna at hilutin ko 'yan." Hinawakan niya ang aking kamay at banayad akong hinila papasok sa loob ng kubo.

Mabilis siyang naupo sa upuang naging tulugan ko at ipinatong sa mga hita nito ang unan.

"Mahiga ka. Hihilutin ko." Pinagpag pa niya ang unan at wala naman akong kibo na tumango at sumunod sa gusto niyang mangyari.

Seryoso niyang hinilot ang aking ulo at wala naman ako sa sariling tinitigan ang kanyang mukha.

"Bakit ganyan ka makatitig? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ako at ginagap ang kanyang kamay. Hinagkan ko iyon at pinagmasdan ang kanyang reaction. Hindi ko alam kung aware ba siyang nakikita kong hindi siya komportable. But I needed to pretend like I wasn't doubting her. Baka nga iyon ang mas makabubuti para sa akin.

Sa ngayon.

And besides, I think I am enjoying this. Osang wasn't a bad catch. I think I could actually kiss her lips all day.

"You're so beautiful, Love. Do you know that?"

Ngumuso lang siya at nangingiting umirap.

"Alam ko na 'yan. Huwag na ipagdiinan pa!"

Humalakhak ako at muling hinalikan ang kanyang palad.

"Thank you for taking good care of me."

"Ikaw pa rin ang gagawa ng mga gawaing bahay kaya 'wag mo na akong bolahin pa."

Tumawa ako at tumangu-tango. Kung bakit niya ako pinapahirapan ay isa ring palaisipan sa akin. Naging masama ba ako sa kanya noon kaya't pinaparusahan niya ako? Pinaghihigantihan kaya?

"But I need to find a job, Love. Mauubos ang pera natin." I needed to give it a shot.

"Ayos lang, Porky Beans. May naibebenta pa naman akong gulay sa palengke. At tsaka, hindi ka pa ganoon kagaling. Baka may mangyari pang masama sa 'yo kaya ako muna ang bahalang dumiskarte."

"Are you sure? Sumasapat ba ang kita sa gulay?" Saglit siyang napaisip at napabuntong-hininga.

"Actually, pangkain lang. Kapag may nagkasakit sa ating dalawa, wala tayong pampagamot. Halamang dahon lang," natatawang aniya at muling hinilut-hilot ang aking ulo.

I'M IN LOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now