K A B A N A T A - 21

Start from the beginning
                                    

Lalong naging ganap na lalaki si Kuya, dahil sa pagbabago ng kanyang itsura.

Nang huli ko siyang makita ay medyo patpatin pa siya tulad ko, pero ngayon ay kasing kisig na siya ni Ama.

"Kuya," muli kong sambit saka niyakap ulit siya ng mahigpit.

"Wag ka ng magdrama diyan bunso, baka di ko maibigay pasalubong ko sayo." biro niya kaya napanguso naman agad ako.

"Kung tutuusin Kuya, galit ako sayo." pagtataray ko saka pinagkrus ang aking braso.

Napahagikgik naman siya saka binitbit ang dalawang malaking maleta na dala niya, maliban pa sa nakasukbit na bag sa likod niya at isang shoulder bag naman sa balikat niya.

Natira ang ilang malalaking paperbag sa tapat ng pinto kaya agad ko naman iyong binuhat at dinala sa sala.

"Bakit naman?" tanong niya habang hinuhubad ang kanyang jacket at sumbrero.

"Hindi mo ako kinausap nung huling tumawag ka kay Ina." nakangusong sabi ko saka umupo sa tabi niya.

"Ginawa ko iyon dahil gusto kong surpresahin ka, alam ko naman na talagang magwawala ka kapag di mo ako kinausap." halatang nang aasar pa siya sakin.

"Eh di sana kinausap mo parin ako kahit di mo na sinabi saking uuwi ka." pilit kong hindi magpatalo sa mga sinasabi niya.

Dahil alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakikitang umiiyak.

"Tsk, dalaga kana Naira. Wag kang maging isip bata diyan." seryosong sabi niya kaya agad namang bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.

Nagkatinginan pa kaming dalawa, pero lumipas ang ilang segundo humagalpak na siya sa pagtawa.

"Hahahaha! Tama na nga! Biro lang iyon ni Kuya hah." sabi niya saka ginulo ang buhok ko.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng aming bahay, pakiramdam ko ay parang may gusto siyang sabihin pero parang hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman ko.

"Nasaan nga pala sila Ina at Ama?" tanong niya saka nagtungo sa kusina, kaya agad naman akong sumunod.

"Gumising akong wala ng tao dito sa bahay, kahit si The---" napatigil ako sa pagsasalita ng napagtanto kong nakatingin na ngayon sa akin si Kuya na may halong pagtataka.

"Sinong---" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng narinig namin ang boses nila Ama at Ina sa labas.

"Ina, Ama," mahinang sambit ni Kuya saka hinawakan ako sa pulsuhan at hinila papuntang pintuan.

Nanlaki ang mga mata nila Ama at Ina ng makita nila si Kuyang kasama ko na ngayon.

"Anak! Jusqo, mabuti't nakauwi ka ng maayos!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Ina saka nanginginig na lumapit kay Kuya at niyakap ito ng mahigpit.

Naiwan namang tulala si Ama sa pinto, halatang hindi makapaniwalang nandito na ngayon si Kuya makalipas ang ilang taong panging-ibang bansa niya.

"Ama," sambit ni Kuya saka nilapitan si Ama at niyakap din siya nito ng mahigpit.

Napakapit naman ako sa braso ni Ina habang tinatanaw si Kuyang yakap-yakap si Ama.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now