K A B A N A T A - 70

1.7K 39 0
                                    

VERENA'S POV

Pagkatapos ng kasal nila Ate Gia at Kuya Earl ay agad din silang lumipad papuntang Chicago.

Dun kasi magaganap ang kanilang honeymoon, ayaw man ni Kuya na lumayo samin ay wala siyang magawa kasi yun ang kagustuhan ng pamilya ni Ate Gia.

Nandun din kasi yung mga pinsan at Tita ni Ate, gusto daw kasi nilang makita yung asawa niya.

At napagdesisyunan nilang dun na din ipanganak ang magiging pamangkin ko.

Malungkot man kasi hindi ko siya agad masisilayan, ilang buwan din silang mananatili dun bago sila umuwi dito.

Kaya ngayon ay kami lang nila Mama yung natira dito sa bahay, puro laptop at pagkain lang ang kaharap ko.

Nakakabagot talaga.

d~\\\\\\\\~b

Napatingin ako saking cellphone ng biglang mag-ring ito, tinignan ko kung sino yung tumatawag at unknown number yung nakalagay dito.

Sino naman kaya ito?

"Hello? Sino toh?"

[ Hi babe! Ako lang naman yung feature husband mo. ] nagsalubong naman ang kilay ko ng marinig ko ang boses na yun.

Porket ganun yung nangyare samin, yumabang na naman siya.

"Ano na namang kailangan mo? Saka, paano mo nalaman yung number ko?"

[ Kay Mommy, ]

"Oh? Bakit ka napatawag?"

[ Yayayain sana kita lumabas. ] mabuti naman at makakalabas na ako sa bahay.

"Saan tayo pupunta?"

[ Secret. ]

"Hindi ako sasama kapag di mo sinabi kung saan tayo pupunta."

[ Tss, ayan kana naman eh! Bina-blackmail mo na naman ako. ] kahit hindi ko siya nakikita alam kong kasing haba na naman ng buntot ng aso yung nguso niya.

"Wow! Coming from you Sir, saka hindi pa kita sinasagot kaya wag mo akong artehan ng ganyan!" sigaw ko sabay baba ng telepono.

Kabanas naman ito!

Hindi pa naman lumilipas ang ilang segundo ay muli na namang nagring yung cellphone ko.

"Ano bang problema nito?!" inis kong sambit saka padabog na sinagot yung tawag.

"ANO BANG GUSTO—-"

[ I love you. ] parang nag-iba bigla ang mood ko ng marinig ko ang sinabi niya.

[ I love you so much baby. ] dagdag pa niya.

Hindi naman ako makaimik at ramdam ko agad ang pag-init ng pisngi ko.

Aarrgghh! Bakit ba nanlalambot ako sa mga simpleng bagay na ginagawa niya saken?!

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now