K A B A N A T A - 18

2.3K 57 1
                                    

THERON'S POV

Walang hiya talaga yung lalaking yun!

Ang kapal ng mukha niyang dungisan ng kanyang mga kamay ang mukha ko!

Pasalamat siya hindi ko siya pinuruhan, kasi alam kong magagalit sakin si Verena kapag nasaktan ko ng matindi yung kaibigan niya.

Kaya heto ako ngayon, nakabusangot habang nakaupo sa mini sofa nila na wala namang foam.

Naghahanap ako kanina ng betadine or any first aid kit, wala man lang akong nakita!

Ganito na ba sila kahirap?

Tinitiis ko nalang ang paghapdi ng sugat ko sa mukha habang naghihintay ng kung sinong darating.

Wala namang pwede paglibangan kasi wala silang TV dito.

Ugghh! Makakatagal pa kaya ako dito?!

Napahiga nalang ako ng wala sa oras habang nakikipagtitigan sa kisame.

Wala pang isang minuto ng makaayos ako ng higa, bigla kong narinig ang boses nila Sinno at Amo sa labas.

Kaya napabangon agad ako saka sila pinagbuksan ng pintuan.

"Iho? Ano nangyari sa mukha mo?!" bungad na tanong ni Sinno sakin.

Tuluyan silang pumasok at nagtungo sa sala. Nilapag muna nila yung kanilang mga dala saka ako kinausap.

"Theron, sagutin mo ako. Ano nangyari? Bakit may pasa ka sa mukha? Ano nalang sasabihin ng mga magulang mo pag nakita ka nilang ganyan?" nag aalalang tanong ni Sinno sakin.

The question is, are they worried about me?

Napaiwas nalang ako ng tingin dahil alam kong nasa akin lahat ang atensyon nila.

"Iho, ano ba talaga ang nangyari?" si Amo naman ang nagtanong.

I released my breath deeply, saka ako umupo ulit.

"The boy who always fetch Verena...punch my face a while ago." sagot ko.

"Ano?! Bakit naman magagawa ni Jarrett yun?" hindi makapaniwalang tugon ni Sinno.

Ganun na ba siya kabait sa paningin nila kaya kahit ang pagsuntok ay hindi nila aakalaing magagawa nito?

d-.-b

"Ina, Ama," napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang boses na yun.

Nakita ko si Verena na ngayon ay walang emosyong nakatingin sakin, halata sa kanyang mga mata na kagagaling niya lang sa pag iyak.

"Oh, anak akala ko ba masama pakiramdam mo? Bakit nanggaling ka sa labas?" tanong ng kanyang Mommy.

Nagmano muna siya sa kanyang mga magulang saka nakayukong umupo sa kaharap kong sofa.

"Nga pala anak, bakit nga pala may pasa si Theron sa mukha? Ang sabi pa ay sinuntok daw siya ni Jarrett, totoo ba iyon?" tanong ng kanyang Daddy.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now