K A B A N A T A - 19

2.4K 63 1
                                    

VERENA'S POV

Paglabas namin ng bahay, nagtungo muna kaming dalawa ni Theron sa bukid para makapag-paalam kina Ina.

"Are you sure lalakarin natin hanggang doon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Theron sakin habang naglalakad.

"Anong gusto mo, lumipad tayo?" pamimilosopo ko sakanya.

Napakamot naman siya ng batok saka pilit na sumabay sa paglalakad ko.

Ala-una na din kasi ng tanghali kaya tirik na talaga ang haring araw.

Mabuti nalang at may nadadaanan kaming matataas na puno, nagsisilbi iyong panangga ng init kahit papano.

Napalingon ako ngayon sa taong kasabayan kong maglakad.

Nakanguso siya habang tumatagaktak ang kanyang pawis sa noo.

Napahinto naman agad ako pero siya ay tuloy tuloy na naglakad.

Hala! Bwahahahaha! Mapagtripan nga itong lalaking toh. Tignan ko kung hanggang saan yung pasensya niya.

Nagtago ako sa isang puno na nasa tabing daan, at tinago ang buong  katawan sa likod nito.

Sumilip ako ng kaunti at patuloy parin siya sa paglalakad.

d^o^b

Sige lang! Lakad lang! Hanggang marating mo ang kagubatan, hahahaha!

Napatago agad ako ng makita kong lumingon siya at napagtantong siya nalang mag isa ang naglalakad.

May naririnig akong sinasabi niya pero di ko maintindihan kasi medyo malayo na din siya mula sa kinatataguan ko.

"Verena! Where the hell are you!" sigaw niya at ramdam kong naglalakad na siya palapit sa  puno.

Kinakabahan tuloy ako! Hahahaha! Hindi ko alam kung anong gagawin niya pag nakita niya akong nagtatago dito.

"Verena, stop playing! It's not funny anymore!" galit niyang sabi pero halatang natatakot na siya.

Bahala siya diyan maghanap sakin.

Sumilip pa ako ulit sa may daan pero hindi ko na siya nakita!

dO^Ob

Hala! Saan na nagpunta ang lalaking yun?!

Akmang lalabas na ako sa kinatataguan ko ng biglang may humawak ng mahigpit sa braso ko at sinandal ako sa  puno.

"Do you think it's funny?" seryosong sabi niya at sinamaan ako ng tingin.

Napatikom naman ang bibig ko dahil sa pagpipigil ko ng tawa.

Nakita ko kasi sa kanyang mukha kung gaano na siya natatakot.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" dagdag pa niya.

At ang mga traydor kong tawa, lumabas na.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now