K A B A N A T A - 62

1.5K 37 2
                                    

~8 YEARS LATER~

EARL'S POV

Isa-isa ko nang nilalagay sa maleta at ilang malalaking kahon yung mga gamit na iuuwi namin sa Pilipinas.

Pero hindi na kami sa Isabela didiretso kundi sa Manila na. Three years ago, tinawag ko na kina Mama na lumipat na sila sa bahay na binili ko.

Lahat inayos ko na bago kami umuwi ni Verena galing Italy. Para pagdating dun ay puro celebration lang ang gagawin namin.

Saktong-sakto naman at ngayong taon na din magcecelebrate si Tita ng anniversary ng kanyang company, namove kasi iyon dahil sa kadahilanang hindi pa nakokompleto ang mga magazine collections na si Verena mismo ang kumuha.

Ginanap ang madaming photoshoots sa iba-ibang bansa, kaya parang nagtravel around the world na kami ng kapatid ko.

Pagkatapos kasi nung first shoots niya dito sa Italy ay agad siyang pinadala ni Tita sa US kasama ni Gia kung saan dun nila natagpuan si Jarrett.

Nagulat pa nga ako nung tinawag nila sakin na nandun siya, hindi naman kasi ako nainform na wala na pala siya sa Isabela.

Naikwento na sakin ni Verena kung paano nagpaalam si Jarrett sa kanya nung gabing nasa Ilocos na kami.

Kinuha daw kasi siya ng kanyang Tito sa US, at dun niya pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral bago siya naging Executive Chef sa mismong restaurant nito.

Kung tutuusin ay parehas na photographer sila Verena kasi parehas din yung kursong kinuha nila nung nasa Isabela pa sila, pero dahil sa kagustuhan ng Tito niya, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.

Mamayang hapon bago kami lumipad pauwi ng Pilipinas ay darating na si Jarrett, kasi sasabay na daw siya samin.

Si Tita Martina at Gab ay ganun din, mapapauwi sila dahil bago maganap ang anniversary ay may malakihang shooting na magaganap at may mysterious theme ito.

Kahit na mismong mga managers ng modelling company ay hindi alam kung sino-sinong professional models ang sasalang.

Halos magwala pa nga si Verena nang malaman niyang siya na naman ang magtetake nito, ayaw pa niya sanang tanggapin itong project kahit na noon pa man sinasabi nasa kanya ni Tita na may ganitong mangyayari, mukhang hindi niya daw kasi kakayanin.

Eh halos sobrang daming na ngang Managers at Directors ang kumukuha sa kanya bilang photographer, tapos tatanggihan niya pa itong malaking project?

Para lang siyang nagtapon ng ginto sa daan pag nangyari yun.

Kaya ngayon ay abala siya sa pagliligpit ng mga gamit niya sa kabilang kwarto.

Doon kasi nakatambak ang mga equipments niya at kulang na lang tawaging tindahan yun sa dami ng camera na ginagamit niya.

Sa dami-dami ba naman ay halos hindi na magkasya sa kwarto niya, kaya napilitan siyang makitulog sa kwarto ni Gia.

May kung anu-anong lightning, tripods na naglalakihan, mga lenses ng camera at ilang mga laptop na ginagamit niya sa pag-eedit.

Isama mo pa ang mga wires, at nagkakapalang clearbook kung saan punung-puno yun ng sample pictures niya na kuha niya habang nagshoshooting.

My Probinsyana GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin