SPECIAL CHAPTER 4

2.5K 46 5
                                    

⚠️A/N: SLIGHT LANG.😂PAGBIBIGYAN KO NA KAYO, LAST NA NAMAN ITO.😊💖

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VERENA'S POV

"Mommy! Mommy! Kinain ni Daddy yung cake ko! Tapos, tapos, yung juice ni Zayden ininom din niya!" sumbong ni KZ sakin na ngayon ay kakarating lang sa tabi ko.

"Asan na ba yung Daddy mo?" tanong ko saka siya binuhat at hinagilap sa loob ng bahay ang asawa kong patay gutom.

"Theron! Magpakita ka nga saken!" sigaw ko sa loob ng bahay.

Napunta kami sa garden at natanaw ko agad si ZK na bored na bored habang nakatingin sa Daddy niya.

Ano ba kasing ginawa nito at ganyan yung naging mukha ng mga anak ko?

Binaba ko si KZ saka lumapit kay Theron. "Hoy! Ano itong sinasabi ni KZ na kinuha mo daw yung cake niya?" tanong ko pagkadating ko sa tabi niya.

"What?" inosenteng tanong niya.

"Sabi ni--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay padabog na tumayo si Zayden saka pumagitna saming dalawa ni Theron.

"Mom, si Kai ang nagsabing kainin yung cake niya, eh si Dad naman itong sumunod sa sinabi ng kapatid ko." walang emosyong sabi niya.

Kita niyo? Isa pa talaga itong ZK na ito eh! Magsama sila ng Daddy niya!

"Oh, may sumagot na sa tanong mo hah?" sabi ni Theron na nakapagpainit ng dugo ko.

"Jusqo! Magsama kayong dalawa!" sigaw ko saka binuhat patungong loob si KZ.

Ang aga-aga ay nambubwisit ang mag-amang iyon. Bagay sa kanila ang itali sa poste, tutal iisa lang naman ang ugali nila.

Mabuti pa itong si KZ, mana saken.

Pero teka nga, totoo ba yung sinagot ni ZK sakin kanina? Na pinakain daw ni Kai kay Theron yung cake niya?

Nang makarating kami sa sala ay umupo kami sa sofa saka mariing tinignan ang anak kong inosenteng nakatingin lang sakin.

"Kai, tell me the truth. Bakit mo pinakain sa Daddy mo yung cake?" tanong ko.

"Mommy, kase...kase...ang pangit nung binake ni Daddy na cake." nakangusong sagot niya.

Kailan paba naging magaling sa pagluluto ang tigreng yun?

Napabuntong hininga nalang ako saka hinalikan sa noo ang anak ko.

"Sa susunod anak, wag kang magsasabi ng hindi naman totoo hah? Kakampihan naman kita, pero kung mali yung sumbong mo, eh baka magalit si Mommy sayo." sabi ko.

"Yes Mommy. Sorry po." nakangiting wika niya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Sige, pwede ka ng makipaglaro sa Kuya mo. Wag masyadong magpagod hah?" paalala ko at nakita ko siyang patakbong lumabas ulit papuntang garden.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now