K A B A N A T A - 63

1.5K 42 4
                                    

VERENA'S POV

Namove ng ilang buwan ang pag-uwi namin sa Pilipinas dahil sa pagbubuntis ni Ate Gia.

Habang si Jarrett na nabulok din dito ng ilang buwan ay napagpasiyahang antayin nalang kung kailan kami uuwi, kaya nakitira muna siya sandali dito sa mansyon.

At ngayong araw na yung schedule ng flight namin pauwi dun, inaantay lang namin si Gab at Kuya na bumalik dito dahil bumili pa sila ng saging sa grocery.

Yung binili kasi ni Kuya na tatlong bungkos ng saging na dapat ay babaunin ni Ate sa biyahe ay naubos na kagabi.

Ganun ba talaga kapag buntis? Mahilig sa saging? Ngayon palang kasi ako nakakita ng nagdadalang tao, at kahit na hindi ako yung buntis, nararamdaman ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ni Ate.

Minsan ay naririnig ko ang malakas na pagdaing ni Ate mula sa kabilang kwarto, hindi ko naman alam kung ano yung dahilan.

Alangan namang makiusyoso pa ako eh kasarapan na ng tulog yun pag naririnig ko siya.

Maya-maya pa ay may nagdoorbell na, siguro ay dumating na sila Kuya.

At halos lumuwa naman ang mga mata ko kung gaano kadaming saging yung binili nila na nakalagay sa tatlong kahon.

"Wag mong sabihing uubusin mo lahat ng yan Gia, halos bilhin na namin lahat nung saging dun sa grocery para lang sayo," sabi ni Kuya sabay hawak sa kanyang bewang.

"Wag mo nga akong pangaralan Earl, binuntis mo ako, at hindi naman yata pwedeng ako lang ang magdusa, dapat kasama ka rin sa paghihirap ko." sagot naman ni Ate saka nagbalat ng isang saging.

Ayan na naman po siya. Buti hindi sumasakit yung tiyan niya diyan.

"Oh, ilagay niyo na muna sa kotse yan para makapunta na tayo sa airport. Dalawang oras nalang at flight na natin," saad naman ni Tita Martina saka binuhat ang kanyang bag.

Nasa kotse na kasi yung mga maleta namin at yung mga equipments na gagamitin ko sa photoshoot.

Napailing nalang si Kuya saka inalalayang lumabas si Ate Gia papasok ng kotse.

Tss, binuntis-buntis mo tapos ngayon...hay nako Kuya. Buti pa ako.

Kami ni Tita Martina yung magkasama sa isang kotse, samantalang nasa kabila naman sila Kuya kasama ni Gab at isang driver.

Si Jarrett naman ay mas piniling mag-commute papuntang airport, sa totoo lang ay kanina pa siya nakaalis at paniguradong kanina pa din siya nag-aantay sa pagdating namin dun.

"Are you ready to go back Hija?" tanong ni Tita na ngayon ay kakapasok lang sa driver seat.

"Opo, gustung-gusto ko na kasing makita sila Mama. Halos ilang taon na rin po kasi ang nakalipas mula ng makapiling ko sila," sagot niya saka inistart ang kotse.

Pinauna niya munang paalisin yung isan kotse bago kami sumunod.

"Mabuti pa nga sila at may anak na sabik na sabik silang makita, samantalang ako...wala," napangiti nalang ng mapait si Tita habang nasa daan ang atensyon niya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now