K A B A N A T A - 07

2.9K 78 4
                                    

VERENA'S POV

Nagising ako dahil sa isang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko.

Pagdilat ng mga mata ko, madaling araw na pala.

Biglang naalala ko yung ginawa ko kay Ina kagabi, kaya agad akong bumangon at tinungo ang kwarto nila.

Kumatok muna ako saka binuksan ang pinto.

Pero, walang tao.

Nagtungo ako sa kusina, nakita ko si Ina na nagpiprito ng daing na bangus.

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod.

Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko.

"Ina, pasensya na po sa inasal ko sayo kagabi. Pagod lang po kasi ako kaya---" napatigil ako sa pagsasalita ng haplusin niya ang buhok ko at hinarap sa kanya.

Napayuko nalang ako dahil sa hiyang nararamdaman ko.

Hinawakan niya ako sa baba at pilit na pinatingin sa kanya.

"Ayos lang anak, naiintindihan naman kita." sabi niya habang nakangiti.

Niyakap ko siya agad at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Pasensya na po talaga." pag uulit ko.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Ina, habang siya ay bumalik na sa pagluluto.

"Ah, Ina? Nasaan nga po pala si Ama?" tanong ko.

Inaggaw muna ni Ina ang niluluto niya mula sa kahoy na lutuan saka pinalit ang takuring may tubig.

(Inaggaw is Ibanag word means sa sariling translation ko sa tagalog parang inahon ang niluluto mula sa kalan.)

"Ayun, ang aga pumunta sa bukid. Masyadong masipag kasi ang iyong Ama," biro ni Ina. "Kaya pagtapos kong magpakulo ng tubig, samahan mo na ako sa Ama mo doon sa bukid. Gusto niya daw na doon nalang mag-almusal." sabi ni Ina habang ginagayak ang basket na paglalagyan ng pagkain.

"Sige po. Mag-aayos lang ako." saad ko sabay pumunta na akong kwarto para tupiin yung tinulugan ko.

Hindi muna ako maliligo, mamaya nalang pagdating. Mamaya pa din naman yung pasok ko.

Nagpalit nalang ako ng simpleng yellow T-shirt saka pinares ang pedal shorts.

Saka ako naghilamos at nagsipilyo, pagtapos ay sinuklay ko nalang ang buhok ko at tuluyang lumabas kasama si Ina.

Ako ang nagbuhat ng basket, habang si Ina ang may hawak ng lampara.

Medyo madilim pa kasi sa daan kaya nagdala kami niyan.

Malay niyo biglang may sumulpot na nakakatakot sa daan tapos di namin nakita, ano na mangyayare samin.

Baka ako pa unang atakihin kay Ina.

Puro puno pa kasi yung nakapalibot samin, pero syempre may bahay bahay padin naman kaming katabi.

Habang naglalakad kami, biglang napatigil si Ina.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now