K A B A N A T A - 12

2.6K 84 1
                                    

VERENA'S POV

Pagkatapos naming kumain, ako ang naatasang maghugas ng pinagkainan.

Ano pa bang bago? Lagi naman eh.

Napansin kong wala pala akong gagamiting tubig panghugas, kaya naisipan ko munang mag-igib.

Kinuha ko yung dalawang balde at nagpaalam kina Ama at Ina na ngayon ay kasalukuyang nakikipag-usap kasama nung lalake.

Nakabusangot parin ang mukha niya, hindi nagbago mula pa kanina.

"Ama, Ina! Mag iigib lang po ako kina Aling Berta." paalam ko sa kanila.

Kinuha ko muna yung lampara, dahil wala pa naman kaming flashlight ito muna pansamantala yung gagamitin ko.

Hindi pa ako nakakalabas ng pinto, ay tinawag na agad ako ni Ama.

"Verena! Ako na diyan. Gabi na saka delikado na sa dadaanan mo." sabi ni Ama na dali-daling lumapit saken at kinuha yung dala ko.

"Sige po." sagot ko saka bumalik sa kusina at umupo pansamantala sa isang bangko.

Habang naghihintay ako ng tubig, naririnig ko pa ang pinag-uusapan nung lalake pati ni Ina.

"Iho? Paano ka nakapagsipilyo?" tanong ni Ina sa kanya.

Hhmmm, may maririnig yata akong maganda ngayong araw. Hahahaha!

"I saw a violet toothbrush na nakalagay doon sa loob ng CR niyo, mukhang hindi pa naman nagamit kaya yun muna ginamit ko." pagkasabi niya nun awtomatikong humagalpak ang tawa ko.

"Hahahahahaha!!!" tawa ako ng tawa habang nakalagay pa yung kamay ko sa aking tiyan.

Biglang sumulpot si Ina kasama yung lalake sa tapat ng lamesa.

"Anak? Anong nangyayare sayo?" tanong ni Ina.

Umiling lang ako saka nagpatuloy sa pagtawa.

"Why are you laughing? Are you crazy?" sabat nung lalake.

Hahahahaha! Magagalit ka kapag sinabi ko sayo ang dahilan.

"Ina, k-kasi---hahahahaha!!!" hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa ko.

"Shit! Nasisiraan kana ba ng bait?!" galit niyang sabi dahilan para tumigil ako sa pagtawa.

"Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan?" tanong ko.

Umirap naman siya saka sinamaan ako ng tingin.

"Baka magalit ka kapag nalaman mo." dagdag ko pa.

"Anak? Ano ba dahilan bakit ka tumatawa mag isa diyan?" natatawang sabi na rin ni Ina.

Huminga ako ng malalim saka umayos ng upo.

"Ina, ganito po kasi yan. Diba sa akin po yung sipilyong tinutukoy nitong lalake?" tanong ko habang nakaturo doon sa lalaking ang sama ng tingin saken.

Napaisip pa ng sandali si Ina saka tumango at nakita yun nung lalake.

"Tapos sabi niya, ginamit niya pa yun. Eh nilublob ko na po yun sa inidoro eh! Hahahahaha! Madami naman pong pinadalang sipilyo si Kuya Earl. Kaya may magagamit pa ako." dagdag ko.

Napatingin ako dun sa lalakeng salubong ang kilay habang nakayukom ang kanyang kamao.

"Shit! Bakit mo ginawa yun?! Alam mo ba kung gaano kadumi ang toilet?!" galit niyang sigaw saken.

My Probinsyana Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن