K A B A N A T A - 72

1.6K 35 2
                                    

VERENA'S POV

"Aira, pakiabot nga nung lampin ni Ashlauxe." utos sakin ni Ate Gia habang abala siya sa pagpapagatas sa kanyang anak.

Ilang linggo na din kasi ang nakalipas mula ng makauwi sila galing Chicago. Kami lang ngayon ni Ate sa bahay kasi nasa grocery ngayon si Kuya at bumibili ng mga kakailanganin nilang mag-Ina.

Kinuha ko yun sa may mesa at inabot sa kanya. Napangiti naman ako ng makita kong mahimbing ng natutulog ang pamangkin ko.

"Ate, ang cute talaga ni Ash noh? Manang-mana sayo," natatawang sabi ko saka hinawakan ang maliliit na daliri nung anak niya.

"Kanino paba magmamana ito? Alangan naman sa Ama niyang walang ibang ginawa kundi ang tulugan ako," nakangiwing sabi ni Ate Gia.

"Hahahahaha! Baliktad pala, lagi niyang sinasabi na ikaw yung tulog pero siya pala,"

"Minsan lang yun dahil pagod nga akong magpa-breast feed kay Ash." iling na sagot nito.

Lumipas ang ilang minuto ay tinawag ng kalikasan si Ate kaya pansamantalang pinabuhat niya sakin yung anak niya.

"Sandali lang baby hah? Magsi-CR lang si Mommy." paalam nito sa kanyang anak saka hinalikan ito sa noo.

Ang sweet naman.

Nang makaalis na si Ate ay napatitig ako sa mukha ng pamangkin ko.

Matataba at mamula-mula ang mga pisngi nito, may kahabaan ang kanyang pilik mata at kung ako ang tatanungin, magiging magandang bata ito paglaki.

"Mabuti nalang at kilay lang yung nakuha mo kay Kuya," bulong ko sa kanya.

Hindi ko naman maiwasang amuy-amuyin siya dahil nanggigigil ako dito, para kasi siyang buhay na barbie.

Maingat akong sumandal sa sofa para hindi ako mangalay, pero hindi pa man nakakadikit ang likod ko sa sandalan ay narinig kong may nagdoorbell na naman.

Istorbo naman.

Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang binuhat palabas si Ashlauxe para buksan yung gate.

"Good afternoon babe—OH SHIT!" nanlaki ang mga mata ko sa sigaw ni Theron.

"Ano ba? Ang ingay mo! Kita mong natutulog yung—-"

"B-babe, don't tell me...anak mo 'yan." kung hindi ko lang buhat ang pamangkin ko ay napaupo na ako sa kakatawa nito.

Kita kong namumutla siya habang nakatingin sa buhat kong baby at para siyang nalantang gulay.

"Sira! Ito na yung pamangkin ko, anak siya ni Kuya at Ate Gia," muling nabuhayan ang mukha niya sa sinabi ko.

"Aahhh, sorry, haha! I thought may nakauna na sayo," sinipa ko naman siya ng mahina sa binti dahilan ng pagtawa niya.

"Pumasok na nga tayo sa loob, baka mahamugan na itong bata," maglalakad pa sana ako papasok ng humarang siya sa daraanan ko.

My Probinsyana GirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora