K A B A N A T A - 34

1.8K 43 0
                                    

VERENA'S POV

"Class, maaga ko kayong papauwiin ngayon kasi alam ko namang kailangan niyong magpaganda at magpagwapo para mamaya. So, see you nalang sa party. Ang hindi aattend...Singko ang grado." sabi nung professor namin saka inayos ang mga gamit na nakakalat sa mesa niya.

Nagtawanan naman kami dahil sa biro niya, tumayo na din ako saka pumunta sa upuan ni Jarrett habang bitbit ang bag ko.

"Jarrett, una na ako hah. Kita nalang tayo mamaya. Pagwapo ka ah." nakangiting sabi ko kaya napatawa naman siya ng mahina.

"Oo naman, para sayo." sabi niya sabay kindat sakin.

Napangiwi nalang ako saka pinitik ang noo niya.

"Napakapilyo mo talaga, sige na. Una na ako." paalam ko at tumango naman siya.

Naglakad na ako palabas ng room, pero hindi pa ako nakakalayo ay may tumawag na sakin, napalingon naman ako at nakita ko si Stella.

"Verena, punta ako sa bahay niyo huh. Para sabay na tayong pumuntang party." sabi niya sabay pinulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Hah? Eh paano ka mag-aayos?" tanong ko.

"Samahan mo muna ako sa bahay, kukunin ko lang yung mga gagamitin ko. Bago tayo umuwi sa inyo." sagot niya kaya hindi ko naman maiwasang magdalawang-isip.

"Hindi pa ako nakapag-paalam kina---"

"Ano kaba Verena, sandali lang naman. Nakalapag na yun sa pinto ng kwarto ko, kaya pag nakuha ko na yun, pwede na tayo rumampa." natawa naman ako sa sabi niya.

"Tss, sige na nga. Alam mo namang hindi kita matitiis eh." sabi ko at nagtatatalon naman siya sa tuwa.

"Waaahhhh! Tara na, excited na ako! Ako mag-aayos sayo hah?" suhestiyon niya habang iniikot-ikot ang buhok ko sa daliri niya.

"Lah, paano yun? May nakuha na si Kuya na mag-aayos sakin para mamaya." malungkot na sabi ko kaya agad namang nawala ang ngiti sa labi niya.

"Ganun? Sayang, pero...hayaan mo na. Magpapaayos nalang din ako sa stylist mo, para bongga na!" sigaw niya kaya naagaw na namin ang atensyon ng ibang estudyante na naglalakad sa hallway.

"Woy, yung boses mo. Hinaan mo nga." mahinang sabi ko pero inirapan niya lang ako.

"Wala akong pake, tara na nga! Baka abutan pa tayo ng gabi kakadaldal natin." sabi niya saka hinila ako ng tuluyan palabas ng campus.

-----

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong na agad ako ni Ina sa may trangkahan palang.

"Oh, napadalaw ka Tella." bungad na bati samin ni Ina, yumuko naman kami saka nagmano sa  kanya bago pumasok sa loob.

"Ina, sabi po kasi niya dito na siya mag-aayos. Kaya sinamahan ko po muna siyang pumunta sa kanilang bahay para kunin yung mga gagamitin niya." sabi ko habang nilalapag yung bag naming dalawa sa botaka.

"Oh siya, tatawagan ko lang ang Kuya Earl mo na nasa bayan pa." nagtaka naman ako sa sinabi ni Ina.

"Bakit po siya pupunta ng bayan ng ganitong oras?" tanong ko saka nagtungo sa kusina para kunan ng makakain si Stella.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now