K A B A N A T A - 51 (ILOCOS NORTE)

1.6K 39 0
                                    

VERENA'S POV

Nanatili muna kami ni Theron nang sandali sa kusina kasi inayos ko pa yung sarili niya, mukha na kasi siyang pulubi. Ni hindi pa pala siya nakakaligo.

d~_~b

Pagdating namin sa sala ay nadatnan namin na isa-isa na nilang inaakyat pataas yung mga dala nilang gamit.

"Ina, saan po sila magku-kwarto?" tanong ko nang makalapit na kami sa kanila.

"Doon sa mga bakanteng kwarto sa itaas, kaso, anak? Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" tanong ni Ina saken.

"Ano po yun Ina?"

"Pwede bang ibigay mo nalang sa kanila yung kwarto mo?" napaawang naman ang labi ko sa sinabi ni Ina.

"Hah? Eh, saan na---"

"Sa kwarto ko." pagpuputol ni Theron sa sasabihin ko.

"Eh?"

"Oo anak, magsama muna kayo ni Theron dun sa kwarto---"

"Basta't siguraduhin niyo lang na walang mangyayaring kababalaghan hah? Baka bukas makalawa, malalaman ko nalang na Lolo na pala ako." pabirong paalala ni Ama.

Nagkatinginan pa kami ni Theron, nakangiti siya saken ng nakakaloko kaya inirapan ko nalang siya.

"Verena, umakyat ka muna sa taas para malipat mo na yung mga gamit mo." utos saken ni Kuya na agad ko namang sinunod.

Naiwan sina Ama at Ina sa sala kasama ni Ate Gia. Pag-akyat ko ay nakasalubong ko yung babaeng kasama nung pamilya ni Theron.

Oo nga pala, sino ba siya? Kapatid ba siya ni Theron?

"So, you are the girlfriend?" napatigil ako sa pag-akyat dahil sa tanong niya, kasabay nun ang paghawak niya ng mahigpit saking braso.

"Hah?"

"Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan kalang?" nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?!" inis kong tanong saka hinila palayo sa kanya yung braso ko, tinignan ko yun at nakita kong halos bumakat na yung mga kuko niya sa balat ko.

"Tss, bingi ka nga." sarkastikong sabi niya at walang anu-ano'y sinampal niya ako sa pisngi.

dO_____________Ob

Anak ng tupa! Bakit niya ako sinampal?!

Sa gulat ko ay natulala lang ako sa ginawa niya at halos di ko na magalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko.

"Ang kapal ng mukha mong agawin sakin si Theron!" doon na ako napatingin sa nanlilisik niyang mata.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" wala sa sariling tanong ko.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay hinawakan niya ako ng mahigpit sa buhok, napapikit naman ako sa sakit.

Sumabay pa yung pagkirot ng paa ko sa ginawa niya.

"Anong klaseng dumi ang meron diyan sa tenga mo at hindi mo marinig-rinig yung sinasabi ko sayo?!" sigaw niya.

"Hindi kita maintindihan." pinilit kong makasagot ng maayos sa kanya kahit na nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.

"Akin lang siya, kaya kung ako sayo, layuan mo na yung boyfriend ko!" yun nalang ang tangi kong narinig na sinabi niya.

Binitawan niya ang buhok ko kaya nawala ako sa balanse at nahulog sa hagdan.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon