K A B A N A T A - 06

3.1K 73 1
                                    

THERON'S POV

Hanggang ngayon, kinakain parin ako ng sistema.

Nasa loob ako ng room pero utak ko, nasa universe naglalakbay.

Hindi ako mapakali, lingon ako ng lingon ako sa kung saan.

Kalikot doon, kalikot dito.

"Mr.Lennox? Are you with us?!" galit na tanong ng professor namin.

Napaayos ako ng upo saka tumango, bumalik agad siya sa pagtuturo.

Pero hindi ko parin maiwasang mag alala sa buhay ko.

Kaya naisipan ko munang mag-CR.

"Sir---"

"Go." tipid niyang sagot habang nagsusulat sa board.

Wala akong magawa kundi ang dumiretso sa CR.

Naghilamos ako ng mukha ko at tinitigan ang repleksyon ko sa salamin.

Ang gwapo ko talaga, tsk.

Nasapo ko ang sarili kong noo sa iniisip ko.

Habang naglalakad ako pabalik ng room, biglang may tumawag sa pangalan ko.

Salubong ang kilay ko ng lumingon sa taong tumatawag saken.

Hingal na hingal yung kasing-edad kong lalaki, habang may hawak hawak na paper bag.

"Sino ka?"

Huminga muna siya ng malalim saka binigay yung hawak niya.

Napataas ang kilay ko bago ko yun tinanggap.

Magtatanong sana ako kung saan galing yun pero agad kumaripas ng takbo yung lalaki.

Luh, anong trip nun?

Napatingin ako sa hawak kong paper bag, napansin ko kasi ang kakaibang amoy na nagmumula dito.

Shit! What is this?!

Dahan dahan kong nilapag yun at binuksan yung paper bag.

Agad bumungad saken ang patay na daga!

What the hell?! Ilang araw na toh mula ng namatay?

Napalayo ako saka nagtakip ng ilong.

Sinong walang hiyang tao ang nagpadala sakin ng patay na daga?

Pero agad kong naisip yung nagpapadala sakin ng threat.

Fuck! Ito na nga bang sinasabi ko eh!

Kinalkal ko yung paper bag na may lamang daga, hanggang sa bumungad saken ang isang papel pero may balot na plastik.

Kinuha ko agad yun saka binasa ang nakasulat.

Sa mga oras na ito, Theron. Alam kong natanggap mo na ang pinadala ko. Nagustuhan mo ba? Kung hindi, hayaan mo sa susunod magiging katulad mo din yang dagang nasa loob ng bag.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now