Special Chapter

10.2K 151 46
                                    

BEA'S POV

"I love you" bulong ko kay Jho habang natutulog siya.

She smiled na akala mo narinig niya ako at saka yumakap sa akin nang mahigpit.

I waited for five more minutes, savouring the moment.

This has been my routine every morning. Staring at my wife while she peacefully sleeps. For the past years, hindi nagbabago ang pagtingin ko sa kanya. Kahit araw-araw na kaming magkasama, para bang mas lalo lang akong nai-in love. Lalo lang akong nahuhulog sa kanya, kahit pa asawa ko na siya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko na ginagawa niyang unan. Bumangon ako at nag-ayos ng sarili.

After doing my morning rituals, dumiretso na ako sa kusina at nagsimula nang magluto. I'm planning to have a breakfast in bed with my wife, sana magustuhan niya.

I cooked her usual breakfast meal, nagtimpla din ako ng gatas at nilagay ko lahat sa isang tray. I carefully lift everything up saka dumiretso sa kwarto namin.

There, I find the girl of my dreams. Tulog pa rin siya habang nakayakap sa unan. Napangiti nalang ako habang naglalakad palapit.

Nilapag ko ang mga dala ko at saka tumabi sa kanya sa kama. Inalis ko ang yakap niyang unan kaya napa-ayos siya ng higa. Hinalikan ko siya sa ulo, sa noo, pisngi, ilong, baba at panga hanggang unti-unti siyang magising. Dalawang beses pa siyang kumurap bago tuluyang pumikit muli.

I can't stop myself from smiling just by watching her facial expressions. Kahit matagal ko naman nang kabisado ang mga ginagawa niya ay napapangiti pa rin ako. Iba talaga ang epekto sakin ng isang Jhoana Louisse.

"Good morning, my wife." I said before leaning in to give her a kiss. Nakita ko ang pag-angat ng labi niya kaya muli ko siyang hinalikan. "Wake up na please, lalamig yung milk mo."

"Tinimpla mo ko ng milk?" parang batang sabi niya habang nakapikit pa rin kaya natawa ako. Kinurot ko ang pisngi niya dahilan para magmulat na siya ng mata. At gaya nang nakasanayan, nag-pacute muna siya by pouting her lips. Agad ko siyang hinalikan, wala akong pakialam kahit hindi pa siya nagtu-toothbrush. She's my wife anyway.

"Hindi lang milk ginawa ko." humarap ako sa lamesa sa gilid ng kama at saka kinuha ang mga niluto kong pagkain, kasama ang gatas na paborito niya. "Here, this is for you, my wife. I love you."

Umupo siya at niyakap ako. "sweet. I love you more"

Humalik siya sa pisngi ko bago kunin ang gatas at saka uminom.

"Hindi ka naman mahilig sa gatas dati, bakit paborito mo na yan ngayon?" I ask habang pinagmamasdan ko siyang kumagat sa tinapay.

"Eh kasi yung anak mo po, ayaw uminom ng gatas kapag mag-isa lang siya. Gusto niya iinom din ako." Iiling-iling siya habang nakangiti. Napangiti nalang rin ako "Nasanay na din tuloy ako sa gatas"

"Ako din, gusto ko ng gatas, love." inabot niya sa akin ang basong hawak niya pero umiling ako. "Ayoko niyan, ibang gatas gusto ko."

Kinagat ko siya ng mahina sa balikat habang natatawa-tawa. Hinampas niya naman ako sa binti bago lumayo ng kaunti sakin.

"Ang aga-aga, Beatriz. Magtigil ka nga."

"Masarap nga yun sa umaga eh." Pinandilatan niya ako kaya lalo akong natawa. Ang sarap niya talagang asarin eh. "Kagabi nga sabi mo bilisa--"

"Oh! Shut up! Wag ka nga!" Sigaw niya kaya tawa ako ng tawa. Hinampas niya ako ng paulit-ulit pero hinaharang ko lang ang kamay ko.

Natigil lang kami sa harutan nang biglang bumukas ang pinto. May sumilip na cute na cute na bata na mukhang kakagising lang.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now