Thirty Eight

14.7K 348 26
                                    

JHOANA


From: Beatriz Ko
Sorry babe. Bawi ako bukas, promise. I love you.

Ano bang bago?

I let out a sigh after reading her text. Palagi naman ganito eh.

"Jho, nagtext si Bea. Ako na da--"

"Ikaw na daw muna sumama sakin sa lunch kasi may ginagawa pa siya"

Nilingon ko si Marci at napakamot pa siya sa batok niya.

"Hindi niya pa daw kasi tapos yung report niya, eh mamaya na daw y-- Jho, teka!"

Tumayo na ko at naglakad palabas ng room. Sumunod sakin si Marci at sinabayan akong maglakad.

"Gutom na ko, saan tayo magl-lunch?" tanong ko

"Kung saan mo gusto" Ngumiti siya at tumango nalang ako.

Nasa iisang campus lang kami ni Bea pero feeling ko nasa kabilang planeta siya.

Oh well, wala naman akong magagawa. School works naman yung pinagkakaabalahan niya, hindi naman siya nambababae so, ok lang. Oo, ok lang talaga.

Kapag ganitong hindi siya nakakapunta sa mga date namin eh yung secretary niya ang pinapasama niya sakin. Si Marci, kanang kamay niya. Instant bestfriend sila eh. Pag magkakasama kaming tatlo ako pa ang nao-OP.

"Jho pwede ko ba isama sa bar si Bea this weekend?" tanong ni Marci habang kumakain kami.

Nagkibit-balikat ako "Kung pumayag siya edi go. Siya nalang tanungin mo. Baka kasi masyado siyang busy. Eto ngang lunch hindi niya ko masamahan eh"

Natawa ako pagkatapos kong sabihin yon. Nakakasawa din pala umintindi ng umintindi.

Ilang buwan na ba kaming ganito? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na alam eh. Para kasing sobrang bilis nalang ng oras. Bilang ko na ata sa daliri ko kung ilang beses kaming nagkasama simula nung nakalimutan niya yung monthsary namin.

"Mukhang ikaw yata ang dapat kong isama sa bar eh" Inabutan niya ko ng tissue. Kinuha ko naman yon at binato sa mukha niya.

"Gagawin ko diyan? Hindi ako umiiyak"

"Baka lang kailangan mo"

Napa-iling nalang ako. Ang lakas din mang-asar neto eh.

"Kamusta kayo ng girlfriend mo? Naks, luma-love life" inirapan niya ko kaya natawa ako. Lakas mang-asar, pikon naman.

"Bakit biglang ako ang topic?"

"Para maiba. Lagi nalang ako eh"

"Tss. Wala namang ikukwento"

"Bakit wala?"

Uminom siya bago tumingin sakin.

"Basta wala. Kain na, male-late tayo sa next class"

Hindi nalang ako sumagot. Masikreto talaga tong lalaking to! Hindi man lang magkwento sakin. Mas marami pang alam si Bea sa kanya kaysa sakin eh. Sino bang niligawan niya dati? Si Bea?

Hindi ko alam kung paano basta biglang sobrang close nalang nilang dalawa. Sakin lagi nagpapaalam si Marci kung pwede niya bang isama sa bar si Bea. Dalawa lang naman daw sila so pumapayag naman ako. Kaya rin siguro sila naging close, pareho silang mukhang alak!

Madalas kaming magkasama ni Marci kasi nga siya ang pinapasama sakin ni Bea kapag hindi siya nakakapunta. Dati pa naman madalas na kaming magkasama, mas napadalas lang ngayon since bihira na kaming makaalis ni Bea.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now