Fifty Five

15.8K 407 154
                                    


JHO

"C.R. lang ako" hindi ko na siya inantay sumagot at umalis nalang ako agad.

Hindi ko naman kasi balak manuod ng sine ngayon. Pahamak kasi tong si Jia! Siya dapat ang kasama ko dito sa mall, tinawagan ba naman si Ged dahil di daw siya makakapunta! Mas gusto ko pang mag-isa eh. Kainis.

"Relax, Jho" bulong ko habang nakatitig ako sa salamin.

"J-Jho" tinignan ko siya sa reflection niya sa salamin. Pati ba naman sa C.R. magkikita kami?! "Anong ginagawa mo dito?"

"Ano bang ginagawa sa C.R.?"

Lumapit siya sa tabi ko at naghugas ng kamay.

"No. I mean, sa sinehan"

Napairap ako bago ko siya tinignan. Seryoso? Anong klaseng tanong yun.

"Ano bang ginagawa sa sinehan?"

Mabuti naman at hindi na siya nagtanong ulit. Akala niya ba kakausapin ko siya ng matino? Pagtapos niyang umalis kanina ng walang paalam?! Natulog ako magkatabi pa kami tapos ng magising ako, mag-isa nalang ako. Ang hilig niyang mang-iwan eh.

Naglakad na ko palabas at sumunod naman siya.

"Saan ka nakaupo?"

"Sa upuan" sagot ko dahil napipikon ako sa kanya. Ewan ko rin, basta naiinis lang ako.

Biglang bumukas ang mga ilaw kaya napangiti ako.

"Sa wakas" bulong ko habang hinahanap si Ged. Uwing-uwi na ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

Napalingon ako ng may tumawag sa kanya

"Bea!" Lumapit ito at agad na kumapit sa braso ni Beatriz. "Ang tagal mo. Tapos na tuloy yung movie"

Ang pabebe naman, kung makakapit kala mo mawawala si Bea.

"Aah. Ayos lang yan. Let's go?" Sagot ni Bea. Pag-tingin ko sa kanya, nakatingin na pala siya sakin. Pati yung babae. Ito yung kalandian niya sa parking lot eh. Maglalandian na naman ba sila sa harap ko?

"Hi! Ikaw yung friend ni Bea di'ba? I'm Jana"

Hindi ko alam ang isasagot ko ng kausapin niya ako at iabot ang kamay niya. Napatulala pa nga akong saglit bago ko iabot ang kamay ko.

"Hi. I'm Jho" Natuyuan ata ako ng laway kaya biglang humina ang boses ko.

"Nice to meet you, Jho. Nagmamadali ka daw kasi kanina kaya hindi na tayo na-introduce ni Bea sa isa't-isa"

"A-ah. Oo eh. Sige mauuna na rin ako. Nice to meet you too"

"Teka, Jho! May kasama ka ba?" Tanong sakin ni Bea pero hindi na ko nakasagot dahil may biglang umakbay sakin.

"Nandito ka lang pala eh. Kala ko kinain ka na ng toilet bowl" siniko ko si Ged at tatawa-tawa lang siya. Monggoloid talaga to eh.

"Boyfriend mo?" Napatingin ako dun sa Jana ng magtanong siya.

Napalingon ako kay Bea at nahuli kong nakatingin din siya sakin. Dahan-dahan akong umiling.

"Friend ko, si Ged. Si Jana, tsaka si-- ahm..." Pucha. How to introduce my ex?! Hayup na sitwasyon to.

"Bea de Leon!" Masiglang sabi ni Ged "Syempre kilala ko yan. Volleyball star yan eh"

Mabuti nalang kilala niya. Hindi ko talaga alam kung papano ko ipakilala tong damulag na to na may kasamang babae na haliparot na naka-kapit sa braso niya na malamang yan rin yung dahilan kung bakit umalis tong si Beatriz ng hindi ako ginigising! Argh. Ewan.

Complicated HappinessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora