Forty Seven

16.3K 404 107
                                    

JHO

"Anong itsura yan, te?"  Tinuro ni Mich ang mukha ko at agad kong nilayo ang kamay niya

"Inaantok ako"

"Bakit? Pinuyat ka ni Bea kagabi?" Tumawa siya at tinawag si Bea

"Yes?" Tanong nito pagkalapit samin.

"Anong ginawa mo dito kagabi? Bakit antok na antok?"

"Huh? Wala akong ginawa diyan" inakbayan niya ko at bumulong "Muntik lang" agad ko siyang siniko at inirapan

"Perv"

Pinagtatawanan nila ko ni Mich kaya tinignan ko sila ng masama. "Okay. Hindi na nga" sabi ni Bea sabay taas pa ng kamay.

"Kain tayo"

"Mamaya, after training. Kakain tayo lahat"

"Libre mo Bey?" Tanong ni Mich

"Sure"

"Yun oh. Guys manglilibre daw si Bea mamaya!" Sigaw ni Mich at tumakbo na papunta sa team.

"RK talaga"

"Minsan lang naman" umupo siya sa tabi ko at sinandal ko naman ang ulo ko sa kanya "Love, yung kagabi--"

"Sssshh! Wag mo na banggitin. Hayaan mo na yon"

"I'm sorry" yumuko siya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Ok lang. Wag ka na mag-sorry"

Kanina lang nag-sink in sakin kung ano ba yung muntik mangyari kagabi. Masyado kasi akong napaisip sa mga sinabi niya kaya hindi ko na talaga alam kung ano ba yung ginagawa niya. Paggising ko kanina, dun ko lang narealize. Kaya ayun, ginising ko ng malakas na hampas si Bea.

Maaga kaming nagising dahil dumaan pa kami sa dorm. Sabi ko nga kay Bea wag na, pwede ko namang gamitin yung mga damit niya, sanay naman na ko. Pero makulit siya eh, gusto niya raw talaga dumaan sa dorm kaya eto, inaantok pa tuloy ako dahil ang aga aga namin umalis sa bahay nila.

Maya-maya pa nagstart na rin ang training. Tamad na tamad talaga ko kumilos pero kabaliktaran nun si Bea. Jusko ang hyper! Parang hindi napapagod eh. Panay tuloy ang asar sakin ni Jia at Mich kasi bakit daw ako, pagod tapos si Bea masyadong masaya. Pinagkukutusan ko nga. Ang dudumi ng utak eh.

"Haaay sa wakas!" Sigaw ko ng matapos ang training. "Beatriz, tara"  sumenyas siya ng wait at tumakbo papunta kila coach. Inaantay ko siya pero maya-maya lang din, sumigaw siya.

"Jhow, una ka na! Sunod nalang ako"

Tumango nalang ako at nauna na sa shower room. Ano kayang pinaguusapan nila ni coach?

Nauna nalang akong mag-shower gaya ng sabi niya. Ng matapos ako nakita ko yung gym bag niya sa tabi ng akin.

"Beatriz, nasan ka?"

"Here!" Tinaas niya ang kamay niya kaya nakita ko na kung nasan siya "5 minutes" dagdag niya pa.

Nagpatuyo nalang muna ako ng buhok habang hinihintay siya. Halos tapos na kaming lahat mag-ayos at si Bea nalang yung nasa shower. Lumapit ako at kinatok siya.

"Huy, buhay ka pa?"

"Patay na. Patay na patay sa'yo" sigaw niya sabay tawa. Inasar tuloy ako ng team.

"Corny mo. Bilis mo na"

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang Beatriz na wet look at sobrang bango.

"Laway mo Jho" sabi ni Jia

"Asa naman" bumalik ako sa bag ko at inayos ang gamit ko kahit kanina pa naman to ayos. Ewan. Nadistract ako bigla kay Bea. Ang gandang gwapo, kainis.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now