Forty Four

16.3K 330 108
                                    

JHO

"Sarap ng tulog" napangiti nalang ako bago bumaba uli sa kusina.

Nagluluto ako ng breakfast para sa aming dalawa. Pinilit ko kasi siyang umuwi kagabi para makapagpahinga siya. Ayaw niya pa sanang pumayag pero wala na siyang nagawa nung si kuya Loel na ang nagsabi.

Pagkatapos ko magluto, umakyat na uli ako sa kwarto ni Beatriz para gisingin na siya. Nagdalawang isip pa nga ako ng makita kong ang lalim pa rin ng tulog niya. Halatang pagod siya pero ang ganda pa rin. Hindi ko tuloy napigilang haplusin ang pisngi niya. Gumalaw siya ng bahagya dahilan para mapaharap pa siya sakin lalo. Napangiti ako habang tini-trace ang mukha niya. Grabe, ang perfect.

Bago pa ko tuluyang maakit na paulanan ng halik ang mukha niya, ginising ko na siya ng mahinang tapik sa pisngi.

"Baby, gising na. Kain na tayo" Bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya.

She slowly opened her eyes and I welcomed her with a huge smile.
"Good morning, Beatriz ko" I said

"Why?" She asked, making my forehead creased.

"Anong--" bago ko pa maituloy ay nahatak na niya ako pahiga sa kama. Nakayakap ang isang kamay sakin habang naka-unan naman ako sa isa.

"Why are you not in bed with me?" Her husky voice made me flinched. Idagdag mo pa na nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. "You smell nice" pinadampi niya ang labi niya sa leeg ko kaya hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Wag maharot"

"What?" She chuckled "You really smell nice. Amoy fried rice and eggs--aww" hinampas ko siya ng mas malakas at tinawanan pa ko.

Bumangon siya ng konti, using her elbows to support her weight, she showed me her famous smile.

"Good morning, Jhoana ko"  malambing na sabi niya. Oo, malambing talaga. Kasi hindi naman ganon ang boses niya, nagpapabebe lang siya kasi akala niya kikiligin ako.

Pero dahil pabebe din naman ako, kinilig nga ako. Dahilan para  nakawan ko siya ng mabilis na halik sa labi.

"Gulat ka 'no? Bangon na diyan, lalamig ang pagkain" nauna na kong tumayo at sumunod naman siya "Baba ka nalang ha"

Aalis na sana ako ng yakapin niya ko mula sa likod.

"I love you, wife" bulong niya sa tenga ko. Natawa ako bago hawakan ang kamay niya sa may tyan ko.

"Wife agad? Edi sige, I love you too, wife"

"Parang napilitan" lalo tuloy akong natawa

"Hindi ah" nilingon ko siya at dahil nakapatong ang baba niya sa balikat ko, halos magdikit na ang mukha namin "I love you" I said, in my most sincere way. "Wife" dugtong ko, making her smile-- or grin rather.

She pecked on my lips before releasing me from her hug.

"5 minutes. Wait for me, sabay na tayong bumaba" sabi niya bago pumasok sa banyo kaya inayos ko nalang muna yung kama niya habang inaantay siya.

Pagkalabas niya sabay na kaming bumaba. Naka-akbay siya sakin habang nakapulupot naman sa bewang niya ang kamay ko -something I really missed. Madalas kasing ganito kami kapag naglalakad. It's something natural between us, kahit noong bestfriends palang kami. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. Napansin niya ata yon kaya tinusok niya ko sa bewang.

"What's with that smile? Kilig ka?" She teased

"Yabang"

"Hahaha what? Don't be shy, love. Ako, I'll admit kinikilig ako" Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko "We look like newly weds"

Complicated HappinessOnde histórias criam vida. Descubra agora