Fifty Two

15.2K 397 61
                                    

JHO

"Ayos ka lang?" Ngumiti ako ng bahagya at tumango "Hindi nga? You look bothered"

"I'm okay Ged. Kain ka lang diyan"  tumango nalang siya at bumalik sa pagkain.

Inaya niya kasi akong manuod ng sine at mag-dinner. Ayoko sana dahil wala ako sa mood, pero sayang naman yung effort niya ng pagpunta sa office ko kaya pumayag na ako. Libre naman niya eh.

"So, kailan nalang tayo manunuod ng movie?" Tanong niya kaya napalingon ako. Ang sabi ko kasi kumain nalang kami at next time nalang yung movie.

"Hmm. Di ko pa sure. Medyo loaded ako sa office"

"Kawawa naman pala this girl" inirapan ko siya kaya natawa siya "Yung sinasabi mong friend, si Alyssa pala yun. Di mo nalang sinabi, kilala ko naman siya"

"Kilala ka ba niya?" This time, siya naman ang umirap kaya ako ang natawa

"Ang harsh, eh no?" Nagkibit-balikat nalang ako. "So... Magkwento ka naman"

"Anong ikukwento ko?"

"Kahit ano. Yung nangyari sa party ni Alyssa. I heard kumpleto kayong volleyball team"

Napahinto ako sa pagkain at naalala ko naman ang nangyari nung gabing iyon...

*****

"Hindi mo naman kailangan mag-explain. Kasi the last time I check, break na tayo"

Naglakad ako palayo. Kahit pakiramdam ko sobrang bigat ng bawat hakbang ko, pinilit kong makalayo sa kanya. Akala ko hindi na siya susunod, pero mali ako. Nagulat pa ako ng biglang nasa harap ko na siya, hawak niya ang dalawang kamay ko at pakiramdam ko nanghina ako dahil doon.

"Jho, pakinggan mo ko please"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang tumitig sa mata niya. Parang may kung anong tumutusok sakin kapag tinitignan ko siya sa mata.

"Pinakinggan mo ba ko dati?" Sagot ko habang nakatingin sa malayo "Yung panahong hinahanap kita. Yung halos minu-minuto akong umiiyak, nandyan ka ba para pakinggan ako?"

"I'm sorry"

I let out a sarcastic laugh. Hinatak ko ang kamay ko bago ko siya harapin.

"Sorry na naman? Makakain ko ba yan? Gamot ba yan? Maaalis ba niyan yung sakit na naramdaman ko dati? Kasi kung hindi, stop saying those words. Kasi sa totoo lang, hindi yan nakakatulong"

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit. Ugh nakakarami na rin pala ako ng inom.

"Ayos ka lang?" Lalapit sana siya pero agad kong inangat ang kamay ko para pigilan siya.

"Oo. Ayos lang ako. Ayos na ako. Dati hindi pero ngayon ok na ko. Kaya please Bea, wag mo nalang akong lapitan" tinignan ko siya na ngayon ay nakayuko. Aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Did we break up? H-hindi naman di'ba? I don't remember anything about us having a proper closure. Jho, hindi naman tayo nag-break di'ba?"

Hindi ko na napigilan at bigla ko nalang siyang nasampal. Ramdam kong nakatingin samin ang lahat ngayon dahil tumahimik ang paligid.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Bea? Nakaka-gago naman yung tanong mo. Oo nga wala tayong proper closure. Bakit kaya?" Umakto akong parang nag-iisip "Ah oo nga pala! Kasi diba umalis ka nalang bigla? Anong iniwan mo? Isang text message na nagsasabing 'sorry'! Tapos ngayon tatanungin mo ko kung nagbreak ba tayo?"

Huminga ako pagtapos kong sabihin lahat ng iyon ng may diin sa bawat letra. Hindi ako makapaniwalang ganyan siya mag-isip.

"Ano bang gusto mo? Closure? Proper break-up? Edi sige. Bea, break na tayo. Please lang, wag ka na ulit magpapakita sakin"

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now