Thirty Six

15.8K 364 21
                                    

JHOANA


Nakangiti akong nag-aantay kay Bea sa tapat ng building namin. May date kasi kami ngayon at dadalhin niya daw ako sa favorite buffet restaurant ko.

Kaya naman eto, sobrang excited ko, na halos kaladkarin ko na palabas yung prof ko para lang matapos na yung klase niya.

Tinext ko na si Beatriz na tapos na ang klase ko, sabi niya rin naman papunta na siya.

Sobrang namiss ko siya kaya naman susulitin ko talaga ang araw na to. Ilang araw kaming hindi nagkita at isa pa, eto lang rin ang paraan ko para kahit papano makatulong ako sa kanya. Alam kong masakit sa kanya ang nangyayari kaya gusto ko siyang pasayahin kahit kaunti.

Ganoon naman kasi talaga dapat diba? Kapag may problema, dapat kaming magtulungan at magkasamang lampasan 'yon?

Basta ang alam ko mahal ko si Bea, at nandito ako lagi para sa kanya.

Nahinto ang pag-iisip ko ng may tumawag sa akin.

"Jho!"

Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya.

"Oh Marci, kala ko ba uuwi ka na?"

"Akala ko rin eh" Bumulong siya at umiling-iling. "Ano kasi Jho.. Tara, lunch tayo"

Kumunot naman ang noo ko. Sipain ko kaya to, parang baliw.

"Alam mong may lakad kami ni Bea 'di ba? Next time nalang"

"Oo nga.. kaya nga kita inaaya eh" napakamot siya sa ulo niya "P-pinapasundo ka ni Bea"

"Ha? Bakit niya naman ako ipapasundo eh sabi nga niya papunta na siya" Tumawa ako at hinampas siya sa braso "Makwento ka ha. Umuwi ka na nga, nangt-trip ka na naman"

"Totoo nga kasi Jho! Hay nako. Pahamak naman yung De Leon na yun oh"

Sumeryoso ang mukha ko at tinignan ko siya sa mata. Di ba siya nagbibiro?

"Nasaan ba si Bea?"

"H-hindi ko alam.. Basta nakasalubong ko siya kanina tapos nakiusap na ihatid kita at doon nalang daw kayo magkita"

Kung saan-saan siya tumitingin at halatang iniiwasan niyang magka-eye contact kami. Naw-weirduhan na ko sa kanya ha.

"Mal-late lang daw siya ng konti, Jho. Susunod nalang daw siya sa restaurant" dagdag niya pa

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi naman sinungaling si Marci kaya mukhang totoo nga yung sinasabi niya.

"Ikaw maghahatid sa akin? Nasaan kotse mo?"

"Nandoon sa dulo. Tara"

Tumango lang ako at naglakad na kami. Nakasunod lang ako sa kanya habang kinakalikot ko ang cellphone ko.

Tinext ko si Beatriz. Saan ba siya nagpunta?

To: Beatriz Ko

Love, san ka pupunta? Bakit ka mal-late? Ingat ka. I love you..

Sa totoo lang kinakabahan ako pero pilit ko lang inaalis sa isip ko yung mga negative thoughts ko.

Magsasabi naman kasi yan si Bea kung may mangyari mang hindi maganda eh. May dinaanan lang siguro siya.

Nag-antay ako kung magrereply siya pero hanggang sa makarating kami sa kotse ni Marci ay hindi pa rin siya nagtetext kaya tinago ko nalang muna ang phone ko. Baka nagd-drive si Beatriz kaya hindi nagtetext.

Pumasok kami sa loob ng kotse at ini-start niya na ang makina.

Nagdrive na siya paalis. Ng makarating kami sa resto, ay tinignan ko ulit ang phone ko. Wala pa rin, ugh. Nasaan na kaya yun?!

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now